LM: 15

6.2K 113 4
                                    

Nga pala, kapag NORMAL lang ang font style nakasulat ibig POV yun ng mga character at kapag naka-ITALIC ang font style ay ang author yan. Yan lang po para madali po niyong maintindihan.
*************

LM: 15

Isang buwan na ang nakalipas at naging maayos na ang lalaki. Nakakausap na nila ng maayos at paminsan-minsan tumulong na rin sa mga gawain.

Pero hindi pa rin niya maalala kung sino siya at kung ano ang pangalan niya. Kaya pinangalanan nalang nila ang ito na Daniel.

"Daniel, dun ka na nga, baka mabinat ka pa sa pinaggagawa mo." Sita ni Ayah kay Daniel. Kasalukuyan silang nag-iigib ng tubig sa batis.

"Ano ka ba, okey lang ako. Atsaka palagi nalang ba paglilinis o di kaya'y maghuhugas ng plato ang gagawin ko." Di kasi siya pinapayagan ni Ayah sa mga gawaing mabibigat tulad ng pag-iigib ng tubig baka raw mabinat.

"Tapos ikaw ang gagawa ng pag-iigib ng tubig at pagbabatak ng kahoy na gawain ng isang lalaki." Si Ayah kasi ang nagbabatak ng kahoy kapag wala si Tatay Igme o si Kiko at kinailangan na niya ng kahoy sa pagluluto.

"Oh! Sige na, sa susunod ikaw na gagawa ng mga ganun at ako na ang maglilinis at maghuhugas. Okey na?" Tumango lang si Daniel at nauna ng lumakad si Daniel kay Ayah.

"Hintay naman Daniel oh, Isang hakbang mo, tatlong hakbang ko." Patakbong nakasunod si Ayah kay Daniel.

"Bilisan mo naghihintay na si Oinky wala pa yung kain. Ki bagal-bagal mo."

"Opo!" Sagot ni Ayah na nakabunsangot ang mukha.

-----

Bahay...

"Oinky! Gutom ka na ba? Pasensiya ngayon lang kami dumating. Ang bagal kasing maglakad ng nanay mo." Sabi ni Daniel sa baboy.

"Oh! Ito na ang pagkain ni Oinky. Ikaw ng bahala magpakain diyan, magluluto na ako." Sabi ni Ayah kay Daniel habang inaabot yung planggana na may lamang pagkain ni Oinky.

Inabot ni Daniel yung planggana at...

"Oinky, magpasalamat ka sa Nanay mo." Napairap nalang si Ayah. Gawin ba siyang Nanay baboy ni hindi nga siya mataba. Umalis nalang si Ayah at pumasok na sa bahay.

"Ayan, kumain ka ng mabuti diyan Oinky para tumaba ka. Puntahan muna ni Tatay si Nanay sa loob. Pakabait ka." Pumasok na rin si Daniel sa loob ng bahay.

Ayah's POV

Kainis yung lalaking yun. Ano ako mataba para gawin niya akong Nanay ni Oinky. Tss.

Nagbabatil ako ng itlog ng may biglang bumulong sa tenga at paglingon ko.

*tsup*

O_O

Nahalikan ko siya.

Tinulak ko siya palayo at tinalikuran ko siya. Ba't ba kasi lumingon pa ako. Ayun tuloy!

"Ate, ba't ang pula ng mukha mo?" Biglang sumulpot sa gilid niya ang kapatid niyang si Kiko.

"A--ahh."

"Kiko, halika dito." Tinawag siya ni Daniel. Salamat naman dahil hindi ko alam ang isasagot.

-----

Dave/Daniel's POV

"Anak, di ka pa ba papasok sa loob?" Tanong ni Nanay Rita.

"Mamaya na po. Dito lang po muna ako magpapahangin."

"Sige, ikaw bahala. Basta mamaya pumasok kana baka mahamugan ka."

"Opo nay!" Pumasok na si Nanay Rita sa loob.

Nakaupo lang ako dito sa labas ng bahay at nakatingala sa langit.

"Lord, salamat po at binigyan niyo pa po ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay at binigyan niyo po ako ng mababait at masayang pamilya."

Sinabi na kasi nila sa akin ang lahat kung paano ako napunta sa kanila. At nagpapasalamat ako dun lalong-lalo na kay Ayah na siyang nakakita sa akin.

Napaisip rin ako minsan kung sino ba talaga ako at saan ako nanggaling pero sumasakit lang yung ulo ko. Sabi ni Tatay Nestor tumama yung ulo ko sa isang malaking bato kaya wala akong maalala.

Pero okey lang dahil hindi naman nila ako pinapabayaan lalong-lalo na si Ayah. Parati lang siyang nandyan sa tabi ko.

Napalingon ako sa pinto na may nakita akong isang bulto ng babae at alam kong si Ayah yun.

"Gabi na, pumasok ka na raw." Pagkasabi niyang yun ay pumasok na ulit siya loob.

Siguro naiilang pa yun sa akin dahil sa nangyari kanina. E ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Sumunod na ako sa kanya. Masunurin kasi akong lalaki.

*****to be continue

Vote?

Comment?

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now