LM: 29

4.6K 80 1
                                    

Author's POV

"Zai, dito ka lang huh. Wag na wag kang lalabas kapag hindi ko sinabi." Sabi ng isang nasa mid-40s na babae.

Pilit niyang ipinasok ang batang babae sa isang kabinet.

"Mama,*sniff* wag niyo po akong iwan dito.*sniff* Natatakot po ako.*sniff*" Sabi ng isang batang babae.

"Zai, listen to me, Mahal na Mahal ka ni Mama." Sabi ng matandang babae habang yakap yung batang babae.

*KBLAGGGG!*

*BOGSH!*

"Sige na Zai pumasok ka na sa loob." Pumasok naman yung batang babae sa isang kabinet at nagtago. Nang masiguro nong babae na nakatago ang anak niya ay lumabas na siya sa kwarto kung saan nagtatago ang anak niya.

*KBLAGGG!*

*BOGSH!*

"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan ka ng asawa ko. Ito pala ang gagawin mo sa amin." Rinig nong bata ang pinagsasabi ng kanyang ina sa labas.

"Eh, Walang hiya yang asawa mo. Pinakulong niya ang kapatid ko at nagpakamatay sa bilangguan." Sabi ng isang lalaki.

"Dapat lang talaga sa kanya ang makulong. Ninakawan niya ang kompanya namin at hindi namin kasalan kong bakit ng pakamatay yang kapatid mo."

*SLAP*

"Mamatay ka na rin." Itinutok nong lalaki ang baril sa matandang babae at...

*TOGSH!*

Dahil sa narinig nong bata ang putok ng baril ay lumabas ito sa kanyang pinagtataguan.

Nakita nong bata ang kanyang ina na naliligo sa sarili nitong dugo.

"Mama,*sniff* gumising ka please.*sniff* Diba isusurprise natin si Daddy.*sniff* Mama.*sniff* susunduin pa natin sila kuya. Mama*sniff*." Iyak lang ng iyak ang batang babae ng bigla siyang hinila nong lalaki.

"WAAAH! BITAWAN MO AKO!" Hindi nakinig yung lalaki at pilit siyang isinakay sa kotse.

"WAAAH! SAAN MO AKO DADALHIN? ISUSUMBONG KITA SA DADDY KO!"

"IHINTO MO ITONG KOTSE. BABABA AKO." Hindi pa rin pinansin nong lalaki ang ngawa-ngawang batang babae.

"MAMA. DADDY. MGA KUYA. WAAAH!

"TUMAHIMIK KA DIYAN BATA KA KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO YANG BUNGO MO." Sigaw nong lalaki habang itinutok niya ang baril dun sa bata.

Hindi niya namalayan na may isang malaking truck na paparating sa kanila huli na para maiwasan kaya nahulog ang kotse sa isang malalim na bangin.

"WAAAAAAH!"

-----

Daniel's POV

Nagising ako sa narinig kong isigaw at nanggaling yun sa kwarto ni Ayah. Agad akong lumabas sa kwarto namin. Magkatabi lang ang kwarto namin kaya agad akong nakapunta sa kanya.

"Ayah, gising! Gising Ayah!" Nagising naman siya at bigla niya akong niyakap.

"Daniel, *sniff* wag mo akong iwan huh*sniff*. Natatakot ako para kasing totoo yung panaginip ko *sniff*." Sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Pangako di kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa makatulog ka ulit."

"Sige na, tulog ka na ulit. Babantayan kita." Patuloy ko.

-----

Ayah's POV

Nitong mga nakaraang araw palagi ko ng napapanaginipan ang senaryong yun at palagi na ring sumasakit ang ulo ko sa tuwing inaalala ko ang napanaginipan ko.

"Ate, ito gamot oh para mawala yang sakit ng ulo mo."

"Salamat Kiko." Itutulog ko na lang to ng mawala yang sakit.

*****

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now