LM: 25

4.9K 84 6
                                    

Author's POV

It's Ayah's Birthday at ngayon na magtatapat si Daniel.

Sinabi na rin ni Daniel sa kanilang magulang ang plano niyang pagtatapat kay Ayah.

"Tama na siguro ang pagtitiis ko ng mahabang panahon para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko pard sa kanya." Sabi ni Daniel sa isip niya.

"Happy Birthday Ayah."

"Salamat po. Sige po kumain na po kayo sa loob."

May kunting handaan sa bahay ng mga Garciano. Habang abala si Ayah pag-eentertain sa mga bisita, si Daniel naman ay naghahanda ng magtapat kay Ayah.

-----
Ayah's POV

"Oy! Ano yun?" Nagsilabasan ang mga bisita namin.

Ano kayang meron sa labas?

"Oh, anak asan na ang mga bisita?" Tanong ni Nanay na kalalabas lang galing kusina at malay dala pang-ulam.

"Teka, lang nay huh. Susundan ko sila sa labas." Hindi ko na hinintay na magsalita si Nanay, agad akong nagtungo sa labas.

Nakarinig ang ng strum ng gitara sa labas. Nang makalabas na ako ng tuluyan nakita ko si Daniel sa gitna at may hawak na gitara.

Anong ginagawa niya?

~Bakit pa kailangan magbihis
Sayang di naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama~

Ano ba tong ginagawa niya? Bakit siya sa akin nakatingin habang kumakanta?

~Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang mag-aalay sayo
Uupo nalang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon~

Anong ibig niyang sabihin? Nakatingin lang din ako sa kanya. Kinikilig ako sa mga pinaggagawa niya.

Ibig sabihin ba nito may nararamdaman na rin siya para sa akin.

~Hahayaan nalang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan nalang kita sa awitin kong ito
Sabay tugtog na ang gitara
Idadaan nalang sa gitara~

Tapos na siyang kumanta. Nakangiti siya sa akin habang papunta sa lugar ko.

Papalapit na siya akin. Anong gagawin ko? Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

"Hey! Ba't ka umiiyak?" Nagtataka niyang tanong.

Hindi ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. Pinunasan niya mga ito gamit ang kamay niya.

"Ikaw kasi, pinaiyak mo ako." Paninisi ko sa kanya sabay suntok sa dibdib niya pabiro.

"Hala! Ganun vah! Sorry na Nanay. Hehe. Happy birthday!" Nanay?

"HOY! ANONG NANAY? HINDI KITA ANAK!"

"Di ba tawagan natin noon Nanay at Tatay at si Oinky ang anak natin." Anong pinagsasabi ng mokong na to? Wala akong maalala at si...

OINKY!

"WAAAAH! WAAAAH!" Umiyak ako ng umiyak. Huhuhu. Naalala ko si Oinky.

"Tumigil ka na nga Ayah, anong ninguwa-nguwa mo jan?" Napakainsensitive naman ng lalaking to. Hindi man lang inalala si Oinky. Nawawala kasi siya simula kaninang umaga. Hindi naman siguro naglayas si Oinky noh?! Pinapakain at inalgaan namin yun ng mabuti.

"Si Oinky ba yang iniisip mo? Ayun oh!" Sabi niya sa turo dun sa may mesa.

O_O ganito ang mukha ko.

Wag mong sabihing si Oinky yang nakadapa sa mahabang mesa.

"Oo, Ayah."

"BAKIT NIYO SIYA NILETCHON?" Tawang-tawa ang mga bisita pati na rin sina Nanay at Tatay. At itong kaharap ko naman ay halatang nagpipigil ng tawa.

T_T bakit ginawa nila to kay Oinky.

"Tahan na Ayah wag ka ng umiyak. Yan talaga ang purpose ng isang baboy. Si Oinky. ____Halika na nga may importante akong sasabihin sayo." Hinila na niya ako papunta sa di kalayuan sa aming bahay.

Ano kayang importanteng sasabihin sa akin? Siguraduhin lang niyang importante to. Kung hindi isusunod ko siya kay Oinky.

*****

Pasensiya na po sa pagsegway ng istorya. Nilagyan ko ng kunting katuwaan para hindi masyadong seryoso. Hehe.

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now