LM: 46

5.9K 93 4
                                    

Dave's POV

I'm on my way to Amanda's condo. I want to tell her that I'm gonna call off our engagement tomorrow night and I want to tell her that Zaiko and Ayah is one.

Mahal na mahal ko si Zaiko at siya lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.

Pagkadating ko sa tapat ng unit niya, hindi na ako nagdoorbell may spare key naman ako kaya ginamit ko na to.

"Nandyan ka na pala Dave. Halika maupo ka, kukuha muna ako ng maiinom." Nagpunta siya sa kusina at pagbalik niya may dala na siyang dalawang baso ng juice.

"Dave/Amanda." Nagkasabay kaming dalawa.

"Ikaw na mauna." She said.

"Hindi. Ikaw na, Amanda." Tumango naman siya at huminga ng malalim.

"Dave, I'm sorry. I'm really, really sorry." Nangingiyak niyang sabi.

"Amanda, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawa. Ako nga dapat tong humingi ng sorry."

"Dave, patawarin mo ako, nagsinungaling ako sayo, sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin Amanda?" Nagtataka kong tanong.

"Dave, hindi mo anak si Xavier." Matagal rumehistro sa utak ko ang mga sinabi ni Amanda.

"Amanda, bakit nagawa mo sa akin to? Naging maganda naman ang pakikitungo ko sayo pati ng pamilya ko. Bakit Amanda?" Nagsimula na rin akong umiyak pero nananatili pa rin akong kalmado.

"Dave, mahal na mahal kita kaya nagawa ko ito."

"Sino ama ni Xavier? Asan siya ngayon?" Mas lalong humahagohol ng iyak si Amanda.

"Si Vince. Ginahasa niya ako." Nagulat ako sa sinabi ni Amanda.

Paano to nagawa ni Vince kay Amanda?

Yung naramdaman kong galit ay biglang napalitan ng awa.

"Tahan na Amanda. Pinapatawad na kita." Niyakap ko nalang siya.

"Dave, hindi lang yun. Nalaman kong siya ang nag-utos naputulin ang break ng sinasakyan niyo noon. Dave, gusto ka niyang patayin." Napabitaw ako sa pagyakap sa kanya.

"ANO?!"

Bakit nagawa ni Vince sa akin to? Higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya.

"Paano niya nagawa yun? Tinurin ko na siyang parang kapatid."

"It is because Vince loves me that much kaya nagawa niya ng mga bagay na yun. Dave, I'm sorry."

"Hindi mo kasalanan ang nangyari Amanda. It was Vince. Hindi ko alam na mahal ka pala niya."

"Dave, di ba may sasabihin ka?"

"Di na yun importante Amanda. Ang mahalaga maipakulong natin si Vince." Tama yun ang mahalaga.

Hindi ko muna iisipan ang sarili ko. Dapat managot si Vince sa mga kasalanan niya.

"Anong plano mo? Ituloy pa rin ba natin an engagement? Paano na si Zaiko?"

Paanong napunta si Zaiko sa usapan na to?

"Wag ka ng magkaila Dave, alam ko na si Zaiko at Ayah ay iisa, sinabi sa akin ni Vince, not literally na sinabi niya.___Dave, ramdam kong mahal mo siya kaya wag na nating ituloy tong engagement na to masasaktan lang siya."

"Alam ko Amanda pero kailangan ko itong gawin para mabigyan tayo ng hustisya sa mga nangyari."

"Dave, kailangan mong sabihin sa kanya to para alam niya na may hihintayin pa siya."

"Hindi Amanda. Ayaw ko siyang masaktan pa lalo, alam kong mahal na mahal niya ang pinsan niyang si Vince. Sana nga hindi siya pupunta bukas baka masaktan lang siya."

Sana nga. Patawarin mo ako Zaiko, gagawin ko ito alang-alang kay Amanda at sa akin rin.

Zaiko's POV

Papunta ako ngayon sa bahay ni Kuya Vin. Wala lang. Tatambay lang. Hehehe. Close na close talaga kami nitong si Kuya Vin. Siya kasi ang taga bili ko ng junk foods noon kung ayaw akong bilhan ng mga Kuya Ko.

"Hello po Manang. Si Kuya Vin po?" Bati at tanong ko kay Manang na nagpupunas ng mesa.

"Ang aga mo ata ngayon ija. Nandun si Sir sa kwarto niya. Puntahan mo nalang ko gusto mo."

"Salamat po Manang." Masaya akong umakyat papunta sa second floor. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Kuya Vin bigla akong nakarinig ng parang may nabasag. Kakatukin ko na sana ng napataas ang kanyang boses.

"DISPATSAHIN NA YAN."

Bigla akong kinabahan. Anong dispatsahin ang sinabi ni Kuya Vince.

"Oo. Mamayang gabi sa bahay ng mga Zarragoza. Siguraduhin niyo lang na makukuha niyo ang anak ni Dave."

Anong binabalak ni Kuya Vin? Bakit kukuhanin niya ang anak ni Dave?

"Wag na wag niyong gagalawin si Amanda. Ako ang papatay kay Dave. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Bakit papatayin ni Kuya Vin si Dave? Di ba magbestfriend sila?

"HAHAHA. MAPAPASA AKIN KA RIN AMANDA."

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa pinto kung saan ako nakatayo. Agad akong nagtago sa gilid. Nakita ko pa ngang dumudungaw-dungaw si Kuya Vin. Pagkatapos ay pumasok na ulit siya sa kwarto niya.

Maingat akong bumaba para di niya ako mapansin. Nakababa rin ako ng matiwasay.

Umaakyat ulit ako at tinungo ang daan papunta sa kwarto ni Kuya Vin. Sinisigaw ko pa ang pangalan niya para di ako ma paghinalaan na nageavesdrop ako.

Agad namang binuksan ni Kuya Vin at laking gulat niya ng makita ako harap niya.

"Kani--kanina ka pa ba diyan?" He asked. Concious is written all over his face.

"Ngayon lang. Bakit Kuya Vin?" Painosenti kong tanong.

"Ah. Wala naman. Bakit ka pala napunta rito?" He asked.

"Wala lang. Gusto ko lang tumambay dito sa bahay mo. Nakakainis kasi bahay namin eh, lagi akong sinusungitan ni Kuya Haiko parang laging may dalaw." Pagmamaktol ko at naupo sa kama niya.

"Nah! Hayaan mo na yun, para ka naman di sanay sa kanya. Nga pala, pupunta ka ba mamaya sa engagement party ni Dave at Amanda?"

Aizt! Pinaalala na naman niya.

"Wag ka nalang pumunta dun. Wala rin namang magandang mangyayari dun. Mabobored ka lang." Bigla niyang sabi.

Anong ibig niyang sabihin? Na hindi niya ako papupuntahin dun dahil may masama siyang balak.

"Hehe. Hindi na guro Kuya Vince sabi mo eh, walang magandang mangyayari dun." I said.

"Tama! Wag ka nalang pumunta dun." I saw him smirking.

"Kuya Vin may lakad ka?" Gusto ko siyang sundan kung sakali.

"Oo,. Zai, pupuntahan ko yung pasyenti ko." Nagbihis siya ng pormal.

"Pagkatapos Kuya Vin saan ka pupunta?"

"Siguro hahabol ako sa engagement ni Dave."

"Ah. Ganun vah. Kuya Vin alis na po ako, baka kasi hinahanap na ako ng Monster nayon." Tukoy ko kay Kuya Haiko.

"Ikaw talaga. Sige na! Alis ka na!"

"Thanks for the time Kuya Vin."

Matapos akong magpaalam, ay agad na umuwi ako sa bahay. Naghahanap agad ako ng damit para suotin sa engagement party mamayang gabi.

Sana maunahan ko si Kuya Vin at masabi kay Dave ang lahat ng narinig ko kanina.

*****

2 chapters to go.

Keep on reading!

Thank you!

-dkc

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now