LM: 14

6.1K 107 1
                                    

Ayah's POV

Sa mga nagdaang araw ganun pa rin siya. Hindi nagsasalita at palaging nakatingin sa malayo. Pero okey lang dahil kumakain naman siya kahit papano.

Medyo nagkalaman-laman na rin siya ng kunti, di gaya nong una na sobrang payat niya. Ngayon mas lalong lumilitaw ang kagwapuhan niya.

"A--A--Ayah?" Tinawag ba niya ako? Imposible naman. Pinagpatuloy ko nalang ang pagwawalis. Kailangan kasi malinis na pagdating nina Tatay.

Nang matapat ako sa kwarto kung saan natutulog yung lalaki, napahinto ako sa pagwawalis.

May narinig kasi akong ingay loob. Hindi naman pwede basta-basta lang akong pumasok kahit bahay pa namin to.

"Argh!" Yan lang palagi kong naririnig sa kanya. Wala ba siyang ibang alam nasalita? Maturuan nga.

"Ka--kain." May iba pala siyang alam. Mabuti naman. Hehe

Teka, ano nga bang sabi niya?

"Ka-kain." Yun! Agad akong pumasok sa kwarto niya at tinanong siya kung ano ba ang gusto niyang kainin.

"Ka-kahit a-ano." Kahit papano nakapag-usap na kami kahit kunti lang.

"Okey. Sandali lang at ipagluluto kita." Lalabas na sana ako ng...

"Sa-sandali lang." Lumingon ako sa kanya at binigyan ko ng bakit-look.

"Pwe-pwedeng manuod?" Aba! Oo ah. First time kong magluto ng may ibang manunuod sa akin.

"Oo naman." Inalalayan ko siyang makatayo hanggang sa makarating kami sa kusina.

Pinaupo ko siya sa upuan at nagsimula na akong magluto. Gulay ang niluto ko at nagprito na rin ako ng isda. Kailangan niya ang mga yun dahil ilang araw din siyang hindi kumakain ng maayos.

"Hmmm. Ang bango niy---." Hindi natuloy ni  Tatay ang sasabihin niya dahil siguro nakita niya ang lalaki na nakaupo sa hapag kainan namin. Nakatalikod kasi ako kaya hindi ako sigurado.

"Lumabas ka na?" Di makapaniwalang tanong ni Tatay.

"Nestor naman, kitang nakaupo na yan sa hapag kainan, siyempre lumabas na yan kwarto." Pambara ni Nanay nakakapasok palang. Napakamot nalang ng ulo si Tatay.

"Hali na kayo kain na po tayo." Pag-aya ko sa kanila. Naupo naupo na sina Tatay at Nanay, ako nakaupo sa tabi nitong lalaki. Wala si Kiko ngayon may pasok.

"Sige, kumain ka lang hijo masarap magluto tong anak ko." Pagmamalaki ni Tatay. Tss. Simpleng gulay at prito lang naman yan niluto ko.

"Oo naman, hijo para makabawi ka na sa lakas mo." Dugtong ni Nanay.

Kumain lang kami habang nagkwekwentuhan. Tong katabi ko tahimik lang kumain.

"Nga pala hijo, Anong pangalan mo?" Biglang napahinto sa pagkain tong katabi ko at napahawak sa ulo niya.

"Argh!" Naalarma kaming lahat. Sumasakit na naman siguro yung ulo niya.

Inalayan ko siyang makatayo at dinala sa kwarto niya. Ewan ko, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Sobra siguro sakit ng ulo niya.

Author's POV

Lumabas na si Ayah sa kwarto ng masiguro niyang nakatulog yung lalaki. Nakaabang ang Tatay at Nanay niya sa labas ng kwarto.

"Kamusta na anak?" Tanong ng Nanay niya na may halong pag-alala.

"Nakatulog na po."

"Kasalanan ko to eh, ba't tinanong ko pa." Sinisisi ng Tatay ni Ayah ang sarili niya.

"Wala namang may kasalanan sa nangyari Tay. Tayming lang siguro yung pagkatanong sa kanya."

"Siguro nga, hali na kayo tapusin na natin ang pagkain natin." Pag-aya ni Mang Nestor.

Hindi nila alam na gising at nakikinig lang sa kanila yung lalaki na inakala nilang nakatulog na.

"Ngayon lang ako nakaranas ng matinding sakit sa ulo simula ng gumising ako." Sabi ng isip nong lalaki.

Bigla na namang bumalik sa isip niya ang tanong ni Mang Nestor na dahilan ng pagsakit ulit ng ulo niya.

"Ano nga pala ang pangalan ko?"

"Sino ako?" Tanong niya sa kanyang sarili.

*****

Keep on reading!

Thank you!


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora