LM: 12

6.4K 107 1
                                    

(Ito yung araw na nangyari ang aksidente.)

Magkasamang naghahanap ng halamang gamot ang mag-amang Nestor at Ayah sa kakahuyan.

Naunang naglakad si Mang Nestor ng makakita ng halamang gamot. Nakasunod lang si Ayah sa kanyang ama ng may napansin siyang parang may gumagalaw sa may likuran niya.

Napahinto siya sa pagsunod sa kanyang ama at lumingon sa bandang likod. May gumalaw sa likod ng halamanan.

'Sana naman hindi yun isang baboy ramo' sa isip ni Ayah.

"Argh."

'Hala! Bakit ganun ang tunog ng baboy ramo? Di ba Oink.. Oink.. ang tunog ng baboy. Bakit Argh" sa isip ni Ayah

'Baka naman marami sila kaya ganun ang tunog.' Sa isip ni Ayah pa rin.

"Argh!"

Imbes na tumakbo palayo si Ayah ay naglakad siya papunta dun sa halamanan kung saan may gumagalaw.

Napatakip ng bibig si Ayah ng makita niya kung ano ang nasa likod ng halamanan.

"Argh!"

Isang lalaki na duguan at walang malay.

Tinawag ni Ayah ang kanyang ama na hindi pa nakakalayo. Agad namang dumating si Mang Nestor at tumabi kay Ayah.

"Sino yan anak?" Tanong ni Mang Nestor sa kanyang anak.

"Hindi ko po alam Tay."

"Argh!"

"Buhay pa ito anak, halika tulungan mo ko. Dadalhin natin siya bahay ng magamot natin." Agad naman sinunod ni Ayah ang utos ng Ama.

Pinagtulungan nilang buhatin ang lalaki.

---

Pagdating nila bahay...

"Nar'yan na pala--- Sino yan?" Tanong ni Aling Rita sa kanyang mag-ama habang nakatingin dun sa lalaki na inihiga nila sa lantay. (Higaan na kawayan.)

"Wag ng magsalita. Bigyan mo nalang ako ng tubig at bimpo." Utos ni Mang Nestor asawa niya.

Matapos linisan ni Mang Nestor ang lalaki ay ginamot na niyo ito. Hindi naman isang doktor o nakapag-aral ng medisina si Mang Nestor sadyang magaling talaga siyang manggamot gamit ang mga daho-dahon.

Dalawang oras na ang nakalipas ng gumalaw ang kamay ng lalaki pero tulog pa rin.

*****to be continue

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now