LM: 43

5.2K 89 1
                                    

Dave's POV

Dalawang linggo na ang nakaraan ng huli kaming nagkita at nagkausap ni Ayah.

"Honey, bagay ba sa akin to?" Sabi ni Amanda sabay pakita sa akin ng isang blue dress.

"Kahit ano naman ang suot mo, bagay sayo." Nandito kami sa mall para bumili ng damit na susuotin namin sa engagement party namin sa susunod na araw.

Tama kayo ng nabasa. Papakasalan ko na si Amanda, wala na rin naman akong pag-asa kay Ayah. Galit siya sa akin at hindi na niya ako mapapatawad.

Oo, mahal ko pa rin siya, hindi ko itatanggi yun.

---

Amanda's POV

Ang saya ko, e-engage ulit kami ni Dave sa susunod na araw. Akala ko ayaw na niya akong pakasalan dahil mahal na mahal niya yung Ayah na yun.

Pero ito kasama ko siya mamili ng damit na susuotin ko sa engagement namin. Siguro natauhan na siya, na ako talaga ang mahal niya.

"Hon, powder room muna ako huh!" Nandito kami sa isang restuarant.

"Sure Hon, i'll wait here." Pagkasabi niya yun tumayo na ako at tinungo ang powder room.

Matapos kong makapag-pee dumiretso muna ako sa sink at nagretouch ng kunti para naman mas lalo akong gumanda sa harap ni Dave at lalong maiinlove sa akin.

Pagkalabas ko ng powder room, hindi ko inexpect ang tao na naghihintay sa akin sa harap ng pinto ng powder room.

"Hi! Babe, how are you? Balita ko ikakasal na kayo ng bestfriend ko." It's Vince.

Hindi ko siya pinansin, akmang lalagpasan ko na siya na bigla siyang magsalita.

"Alam na ba niya?" That question makes me freeze.

"Base of your expression, I guess he doesn't know." Humarap siya akin dahilan para kabahan ako.

"Well, I think I'm the one who could tell him the truth. Bye Babe." And he give me a kiss on the lips.

Dave's POV

"Amanda, are you okey? Ba't balisa ka?" Nang makabalik si Amanda mula sa banyo ay naging dbalisa siya.

"No-Nothing Hon. Let's go we will fetch Xavier pa." At nauna siyang lumabas sa akin ng resto.

Anong problema niya?

---

Vince's POV

"Sir, ito na po yung inutos niyo sa akin." Inabot ni Greg ang isang folder sa akin.

Agad ko itong binuklat.

DAVE IAN ZARRAGOZA

Yang pangalan na yan ang unang tumambad sa akin. Pinaimbestigahan ko si Dave simula nong aksidenting yun 2 years ago. Gusto kong alamin kung ano ang nangyari sa kanya nong mga nakaraang taon. Gusto kong patayin kung sino man ang tumulong sa kanya. Dapat kasi hindi na nila tinulungan yung gagong yun.

Mag-asawang Nestor Garciano & Rita Garciano ang kumupkop sa kanya.

"Sir, nalaman kong patay na po ang mag-asawang Garciano. Nasangkot po sila sa isang aksidente." Greg said.

Arrghh! Useless lang din naman pala patayin sila dahil patay na sila.

Tinapon ko yung folder sa gilid. Nakakafrustate. Tatayo na sana ako ng may nakita akong isang picture na nalaglag mula sa folder. Kinuha ko ito at tiningnan. Nagulat ako ng mapagsino ko ang nasa litrato.

"Sila po ang mga anak nina Nestor at Rita Garciano. Ayah at Kiko. Sabi ng mga kapitbahay tatlong buwan magmula ng umalis sa Dave ay may kumuha sa magkapatid." Greg said.

"Napag-alaman ko rin po na si Ayah at Dave ay may relasyon." Patuloy niya.

Kaya pala ang iba ang tingin ni Dave sa pinsan ko at nong pinakilala ni Tito Elmo si Amanda kay Zai ay biglang yumuko si Dave. Ibig sabihin mahal pa rin niya ang pinsan ko.

Ang liit talaga ng mundo. *evil laugh*

*****

Pasensiya natagalan ako sa pag-update. Nga pala, sa wakas malapit na rin tong matapos kunting tiis nalang. Hehe

Salamat nga pala sa inyo mga readers!

-dkc


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now