LM: 21

5K 94 2
                                    

Daniel's POV

Dinalhan ko ng agahan si Ayah sa kanyang kwarto.

"Good Morning Ayah! Dinalhan kita ng agahan."

"Hindi pa ako nagugutom."

Isang linggo na rin kaming nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit. Naging malayo na siya akin.

"Sige. Ilabas ko na to." Dinala ko ulit yung agahan na ginawa ko para sa kanya at nilapag sa mesa.

"Oh! Hindi ata nagalaw?"-Nanay

"Hindi po raw siya nagugutom."

"Ganun vah! Hayaan mo muna siya."

"Nay, Galit po ba siya akin? Bakit ganun na po ang pakikitungo niya sa akin? May nagawa po ba akong kasalanan?" Hindi ko na kasi alam bakit nagkakaganun siya.

Flashback:

"Ano bang nangyari sayo Ayah? Galit ka ba sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan?" Tanong ko habang nag-aabang ng masasakyan papunta sa bayan.

"Wala kang kasalanan." Simple niyang sagot.

"Wala naman pala. Bakit mo ako iniiwasan?"

"Iniiwasan kita dahil nasasaktan ako."

"Nasasaktan? Bakit?"

"Dahil may gu----" Naputol ang sasabihin niya dahil dumating si Steph.

"Babe, samahan mo naman ako bayan." Sabi ni Steph sabay halik sa aking pisngi.

"Sasamahan ko pa kasi si Ayah."

"Babe naman, ako yung girlfriend dapat ako ang samahan mo." at nagpout pa. Ang cute talaga ng girlfriend ko.

"Ah. Ayah mamaya nalang kita sasamahan."

End of Flashback:

Wala namang masama kung unahin ko ang girlfriend ko di ba?

"Nay, alis na po ako." Paalam ko kay nanay.

"Sige, mag-iingat ka. Ito na pala ang pananghalian mo."

"Salamat po nay."

-----

Ayah's POV

Lumabas na ako ng kwarto ng umalis na si Daniel.

"Nay, kakain na po ako." Sabi ko kay Nanay habang naghuhugas siya ng plato.

"Ikaw talagang bata ka. Hanggang kailan mo ba iiwasan si Daniel?"

"Hanggang sa nakapagmove-on na po ako. Hehe." Hindi nalang umimik si Nanay, pinagpatuloy nalang niya ang paghuhugas at ako naman patuloy na kumakain. Sarap na sarap ako sa pagkain ng may biglang...

"Magandang umaga Aling Rita!" isang pamilyar na boses kaya agad akong napalingon.

"CYRUSSS!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss ko na ang kumag to.

"A--Ayah bitaw na di ako makahinga." -Cyrus

"Namiss talaga kita Cy-Cy eh!" Bumitaw ako sa kanya at nagpout.

"Wag kang magpout. Hahalikan kita."-Cyrus

"Nay oh!" Sumbong ko kay Nanay.

"Hahaha. Para parin kayong mga bata." Sabi nanay habang tumatawa. Nakitawa na rin si Cyrus.

Ano naman ang nakakatawa? Tss.

"Nay Rita, pwede ko po bang yayain mamasyal si Ayah?" -Cyrus

"Tamang-tama ipasyal mo yang si Ayah. Broken hearted eh. hahaha" Nanay naman eh, ibuking ba ako.

"Ano po?" -Cyrus

"Wag mo nang pansinin si Nanay. Tara na mamasyal na tayo." Sabi ko kay Cyrus sabay hila sa kanya palabas ng bahay.

-----

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa park.Break ko kasi at naisipan ko dito pumunta para magpahangin.

Nakaupo ako sa isang bench na may nakita akong dalawang tao babae at lalaki na nakaupo din sa bench sa di kalayuan. Nagtatawanan ang dalawa habang nagpapahiran ng ice cream sa mukha.

Hinalikan nong babae ang lalaki sa labi ng kumalat yung ice cream sa gilid ng bibig nong lalaki kaya

tumayo na ako biglang lumingon yung babae sa gawi ko.

Laking gulat ko ng mapagsino yung babae... Si Steph.

Dali-dali akong pumunta sa kinaruruan nilang dalawa at sinuntok yung lalaki.

*Bogsh*

"Tama na Daniel." Awat ni Steph sa akin habang umiiyak.

"ANO TO STEPH? MATAGAL MO NA BA AKONG NILOLOKO?"Sinuntok ko ulit yung lalaki.

"Daniel, I'm sorry. Mahal ko si Ralph. " Pagkatapos kong narinig ang sinabi ni Steph ay umalis na ako ng park.

*****Itutuloy

Update. Update. Update.

Salamat sa paghihintay.

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now