LM: 27

4.5K 86 1
                                    

Ayah's POV

Ang bilis talaga ng panahon, Isang taon na kami ni Daniel at sobrang saya ko, para kasing kailan lang naging kami ni Daniel.

"Anak, dalhin mo na tong pananghalian ninyo Daniel." Sabi ni Nanay sa sabay bigay sa akin ng dalawang supot.

"Salamat po Nay. Sige po, alis na po ako."

-----

"Daniel, ito ng pananghalian natin."

"Natin?" Parang nagulat siya sa sinabi ko. Bakit, ayaw ba niya akong makasalo?

"Bakit ayaw mo ba akong salo?" Malungkot kong sabi.

"Hi-hindi naman sa ganun."

"Babe, ito ng panangha---" Nagulat ako ng pumasok si Steph na may dalang pagkain sa kaliwang kamay niya at sapo-sapo ng kanang kamay niya ang tiyan niya.

O_O Buntis siya?

.

.

Kaya pala, ayaw niya akong kasalo. Okey fine. Niligpit ko ang mga pagkain na hinanda ko sa mesa at ibinalik sa ko ulit sa plastik.

"Ayah, ba't mo niligpit?"

"Alis na ako, nandyan na pala ang kasalo mo." Tumakbo na ako palabas ng bodega yun. Narinig ko pang tinatawag ako ni Daniel.

Nagkabalikan na pala sila hindi ko man lang alam. Pinagmukha nila akong tanga. Sana sinabi nalang nila sa akin ang totoo ng hindi ako umasa.

Dumiretso ako sa aking tambayan. Ayaw ko munang makita ang pagmumukha ng lalaking yun.

Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi total may pagkain naman akong dala, hindi pa naman siguro to panis.

-----

Daniel's POV

Aizt!

Napasabunot nalang ako ng buhok ko.

Mali yung pagkakaintindi niya sa narinig at nakita niya. Arrgh!

"Sorry Daniel, akala ko kasi si Greg ang nandito, ik-- kayo pala." Paghinging tawad ni Steph.

Kasamahan ko kasi ang boyfriend nitong si Steph na siyang ama ng pinagbubuntis niya.

"Wala kang kasalanan. Na misinterpret lang ni Ayah ang sinabi mo. Ba't ba kasi Babe pa ang tawag mo sa boyfriend mo ayan tuloy."

"Wala raw akong kasalanan pero ako tong sinisisi. Tss." Bulong niya na narinig ko naman.

"Babe, yan na ba ang pananghalian natin? Tara, gutom na ako.___Gutom ka na rin ba baby?" Tanong ni Mike na kakapasok palang ng bodega.

-----

Nagpaalam ako kay Aling Letty na umuwi ng maaga. Gusto ko na kasing makita si Ayah. Alam kong galit yun sa akin sa nangyari kanina.

"Anak, napaaga ang uwi mo? Teka, Kasama mo ba si Ayah?"

"Nay, wala ba rito si Ayah?" Gulat kong tanong.

"Hindi pa siya bumabalik mula kaninang dinalhan ka niya ng tanghalian." Aizt! Asan na yung babaeng yun?

"Sige Nay, hahanapin ko po muna siya." Tumakbo na ulit ako palabas.

Asan ka na Ayah?

.

.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sayo. Kaya sana nasa mabuti ka.

*****Itutuloy

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon