LM: 13

6.1K 106 2
                                    

Isang araw, dalawang araw, tatlong araw, isang linggo, dalawang linggo, isang buwan, dalawang buwan na ang nakalipas hindi pa rin nagigising yung lalaki.

Tingin nga ni Ayah patay na ito pero hindi eh. Humihinga pa ito at ayun kay Mang Nestor na stable na daw ang kalagayan ng lalaki.

Ang gara ni Mang Nestor noh? May pa stable-stable pa siyang nalalaman.

"Oh, anak, ikaw na muna ang magbabantay sa bisita natin ah. Kung may kailangan ka tawagin mo lang si Kiko nasa likod ng bahay lang siya.

"Opo Tay!"

Umalis na sina Mang Nestor at Aling Rita. Pupunta sila sa bayan para bumili ng mga pangangailan namin.

Kumuha ng maligamgam na tubig at isang bimpo si Ayah. Pinunasan niya ang bandang noo, mukha, braso at pinalitan na rin ni Ayah ang mga dahon na nilagay ng kanyang ama sa ulo ng lalaki.

Ayah's POV

Ang tagal namang magising tong lalaking to.

Pinalitan ko na ng bago ang mga dahon na nakalagay sa may noo niya. Yan kasi ang bilin ni Tatay bago sila umalis ni Nanay kanina.

Habang nilalagay ko yung mga dahon di ko maiwasan na mapatitig ako sa mukha niya.

Gwapo pa rin siya kahit na ngangayayat na. Ikaw ba'y dalawang buwang tulog at hindi kumakain hindi ka mangangayat.

Pagkatapos kong palitan ang mga dahon inayos ang kumot niya.

Hahaay! Araw-araw nalang ganito. Sana naman gumising na siya at ng mga makabalik na siya sa pamilya niya, sigurado akong nag-alala ng mga yun.

Bumalik na ang sa pagkaupo sa tabi niya ng matapos ko na ang bilin sa akin ni Tatay.

Nagbabasa lang ako ng Libro habang nakaupo sa tabi niya. Paminsan-minsan lilingunin ko yung lalaki sa tabi ko habang nagbabasa.

Sa huling lingon ko ay napasigaw ako dahil nakaupo na siya lantay. Tumakbo ako papunta sa pintuan. Huhu. Kakatakot kasi. Nakahiga lang siya kanina tapos paglingun ko ayun na... Waaah!

"Anak, anong nangyari? Dinig namin ng Tatay mo ang sigaw mo. Asan ba si Kiko?" Tanong ni Nanay ng makarating sila dito.

"Si--si--si-- WAAAH!" Sabi ko sabay turo dun sa loob ng bahay.

Biglang pumasok si Tatay sa loob at ako naman napayakap nalang kay Nanay.

"Tahan na anak, Ano bang nangyari?" -Nanay

"Rita, halika rito, gising na siya." Sigaw ni Tatay mula sa loob.

"Kaya pala natakot ka?" Tumango ako. Talaga naman eh!

"Halika, puntahan natin ang Tatay mo. Wag ka ng matakot. Nandito lang ako." Sabi ni Nanay at hinawakan ako sa balikat.

Naglakad na kami ni Nanay papunta sa loob ng bahay. Nakasunod lang ako kay Nanay takot pa rin kasi ako sa lalaki yun.

Naabutan namin na kinakausap ni Tatay yung lalaki pero hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa malayo. Siguro, iniintiralize niya muna ang nasa paligid.

"Hayaan mo muna siya Nestor kagigising lang niya." Sabi ni Nanay at tinungo ang kusina.

"Maghahanda lang ako ng pagkain." -Nanay

Sumuko na si Tatay sa pakipag-usap sa kanya at sumunod kay Nanay sa kusina.

Naiwan kaming dalawa dito. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda pala ng mata niya at ang hahaba ng mga pilik mata niya. Siguro maganda ang labi nito kung maayos na siya. Yung may laman-laman na di ba sabi ko nangangayayat na siya.

Siguro naman makakakain na siya ngayon ng maayos dahil gising na siya.

*****to be continue

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now