LM: 33

4.8K 93 4
                                    

Papalitan ko na po ang pangalan ni Daniel sa POV na DAVE total bumalik na rin yung ala-ala niya.
---------------------------------------------------------

Dave's POV

Nang makarating na kami sa probinsiya, inihinto ko agad ang kotse ko sa harap ng pinapasukan ko noon.

Ang tindahan ni Aling Letty kung saan naghihintay rin si Benjo.

"Aling Letty!" Tawag ko. Nakatalikod kasi siya akin kaya hindi ako napansin.

"Daniel? Kamusta ka na? Tatlong buwan ka na ring di nagpapakita sa akin---"

"Magdadrama ka na naman diyan Letty." Putol ni Benjo sa kanyang kapatid.

"Sir, kain po muna tayo bago pumunta sa bahay niyo." Aya sa akin Benjo.

"Sandali lang Benjo iniwan ko kasi si Amanda sa loob pupuntahan ko muna."

"Kasama niyo po si Ma'am Amanda?"

"Sinabi ko na nga diba? Paulit-ulit Benjo?"

"Babe, bumaba na ako. Naiinip na kasi ako sa loob.___Oh! Benjo nandiyan ka pala." Sabi ni Amanda.

"Ah! Ma'am Amanda kayo po pala, maupo po muna kayo rito. Pasensiya na po kayo sa makalat hoh rito." Sabi ni Benjo.

"Okey lang Benjo. So, nandito na tayo sa tinitirhan mo Dave?" Tanong ni Amanda habang nililibot niya ng tingin ang buong tindahan.

Oo nga pala, sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko ang tinitirhan ko nun pero inuna ko munang puntahan tong tindahan ni Aling Letty.

"Ito na ang mga pagkain niyo." Lumabas si Aling Letty na may dalang pagkain.

"Aling Letty, siya nga po pala si Amanda kaibigan ko po." Pakilala ko kay Amanda kay Aling Letty. Napansin kong bahagya siyang yumuko.

"Akala ko girlfriend mo. Nga pala Hija, ako si Aling Letty at ako ang may ari nitong tindahan na pinapasukan ni Dan--Dave pala. Pasensiya nasanay kasi ako na Daniel ang itawag."

"Okey lang po yun Aling Letty."

"Oh siya sige, kumakain na tayo para makaalis na tayo. Pagpasensiyahan muna tong pagkain namin Ma'am Amanda." Benjo.

"Okey lang, Benjo."

-----

"Aling Letty, aalis na po kami iiwan ko po muna ang kotse ko rito."

"Oo, walang problema Dave. Mag-ingat kayo."

Nagsimula na kaming maglakad na tatlo. Ayaw kasing magpaiwan ni Amanda dun kay Aling Letty. Gusto niya kasing makita kung saan ako nakatira.

"Dave, malayo pa ba tayo?" Napapagod na siguro to. Kanina pa kasi kami naglalakad. Medyo malayo-layo talaga ang bahay namin sa bayan.

"Malapit na."

Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Steph na may dalang baby. Nanganak na pala siya.

"Daniel, bumalik ka?" Sabi ni Steph. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napairap si Amanda kay Steph.

Maganda pa rin kasi Steph parang hindi siya nanganak.

"Ito na ba yung baby niyo ni Greg?" Tanong ko kay Steph habang nilalaro ko yung kamay ng bata.

"Oo, siya si Francis. Francis, siya ang Ninong Daniel mo." Ngumiti naman sa akin yung baby.

"Nga pala, nabalitaan mo na ba?" Steph

"Oo." Tipid kong sagot.

"Pasensiya ka na Daniel, hindi ko napigilang umalis sina Ayah." Naalerto ako sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Nandun kasi ako sa bahay niyo nong sinundo nila si Ayah at Kiko. Ang sabi pa nga niya wag raw akong mag-alala." Umiiyak na sabi ni Steph. Naging magkaibigan na sina Steph at Ayah ng mga nakaraang buwan.

"Tahan na. Wala ka namang kasalan." Niyakap ko siya. Kahit naman paano may pinagsamahan din naman kami.

"Sige Steph, mauna na kami." Tumango naman siya.

Anong ibig sabihin ni Ayah na sinabi niya kay Steph na 'wag kang mag-alala'?

"Dave, sino yung babaeng yun? Kung makatitig at makipag-usap sayo parang wala siyang anak." Ano naman ang pinuputok ng botchi nitong si Amanda?

"Nagseselos po sir." Bulong ni Benjo sa akin.

Nagseselos? *evil smirk*

"Ah yun, si Steph.___ Ex-girlfriend ko." Matapos kong sabihin yun nauna na akong maglakad. Naiwan pa siya sa kinatatayuan niya na nakanganga.

"Ang sama mo sir, bakit mo sinabi yun?" Benjo

"Yun naman ang totoo diba?"

"WAIT! DAVE, HINTAYIN NIYO KO!" Sigaw ni Amanda ng matauhan siya.

.

Bakit ba kasi pinipilit pa niyang ibalik ang hindi na maaaring ibalik.

*****

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now