LM: 37

4.9K 81 2
                                    

Kiko/Raiko's POV

Nang makasakay na ako sa kotse ay dun ako nakahinga ng maayos.

Nagulat lang talaga ako. Hindi ko inaasahan na magkikita agad kami ni Kuya Daniel.

.

Pagdating namin sa bahay agad kong hinanap____si Ate Zaiko. Real name ni Ate Ayah.

"Oh, Bunso ba't ka tumatakbo?" -Kuya Echo

"Si Ate Zai po?"

"Nasa kusina siya. Bakit bunso?"

"Ahehe. Namiss ko kasi si Ate. Sige Kuya Ehco pupuntahan ko na si Ate Zai."

Nagtataka ba kayo paano ako naging si Raiko at si Ate Ayah naging Zaiko?

.

Ikukwento ko nalang sa inyo sa susunod, kailangan ko muna sabihin kay Ate Zai na nakita ko si Kuya Daniel.

-----

Ayah/Zaiko's POV

"Ate Zai?"

"Nandito ako Raiko. Bakit?" Nandito ako ngayon sa kusina para ipagluto sila ng specialty kong eskabitse.

"Ate Zai, nagkita kami kanina ni Kuya Daniel sa mall." Si Daniel?

"Anong ginawa mo? Kinausap mo ba? Kinausap ka ba niya? Ano?" Baka kasi may sinabi si Daniel. Umasa pa rin kasi ako

"Tumakbo na kasi ako eh," Napabuntong hininga ako.

"Ate Zai, nong nakita ko si Kuya Daniel may kasama siyang magandang babae at isang batang lalaki. Tinawag pa nong bata si Kuya Daniel na Daddy."

Parang binuhusan ako ng isang balde ng malamig na tubig at bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

Bumalik na siguro ang ala-ala niya kaya iniwan niya kami ng ganun-ganun na lang.

Ito na siguro ang tamang panahon para kalimutan ko na si Daniel.

"I'm sorry Ate Zai, hindi ko na dapat sinabi sayo to." Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap niya.

"Wala kang kasalanan Raiko. Mabuti't sinabi mo sa akin ang nakita mo para hindi na tayo umasa pa." Nagpapasalamat ako at nandito pa rin si Raiko sa tabi ko.

"Anong nangyari dito?" Tanong bigla ni Kuya Echo na kakapasok palang ng kusina.

"Hahaha. Namiss ko lang si Ate Zai, Kuya Echo." At niyakap ako ng mahigpit ni Raiko.

"Ang daya, ako naman ang yakapin mo bunso." Sabi ni Kuya Echo at nakiyakap na rin.

Para pa ring bata to si Kuya Echo, mabuti't natiis pa siya ni Ate Rina. Hahaha.

*****

Pasensiya natagalan ako sa pag-update.

Salamat sa paghihintay.

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon