LM: 18

5.2K 100 1
                                    

Author's POV

Inanunsyo ng kapitan ng kanilang lugar na si Kapitang Maximillo. Kap Max for short. Na nalalapit na ang fiesta sa kanilang barangay.

"Magkakaroon tayo ng beauty contest." Nagsigawan naman ang mga tao sa inanunsyo ni Kap. Max.

"Kung sino man ang interesado sa pacontest namin ay pumunta nalang po kayo sa aming tanggapan." Pagkatapos inanunsyo ni Kap. max ang magandang balita ay bumalik na rin ang mga tao sa kani-kanilang pwesto sa palengke.

"Ayah, gusto mong sumali sa contest?" Tanong ni Daniel kay Ayah na kasalukuyang nililigpit ang mga pinagkainan nilang dalawa.

"Hindi ako sasali diyan. Beauty contest kaya yan. Anong ipanglalaban ko diyan? Mabuti kung singing contest yan at sasali talaga ako." Sagot ni Ayah.

"Maganda ka kaya." Bigla namang namula ang mukha ni Ayah sa sinabi ni Daniel.

"May sakit ka ba Ayah? Ba't namumula ka?" Pag-alalang tanong ni Daniel kay Ayah.

"Tangi! Wala akong sakit. Kinikilig ako." Sabi ni Ayah sa isip niya.

"Ah. Wala to." Nahihiyang sagot ni Ayah. Pangalawang beses na siyang nakita ni Daniel na namumula.

"Ah. Ganun vah. Sige rga labas muna ako tutulungan kong magbatak ng kahoy si Kiko." Lumabas na si Daniel at dun naman nakahinga ng maayos si Ayah.

Ayah's POV

"Anak, isinali kita dun sa munosipyo para sa beauty contest." Sabi ni Nanay habang nagluluto. Napatigil naman ako sa pagwawalis.

"Nay, bakit niyo po ako isinali dun? Wala naman po akong ipanglalaban sa contest na yan." Wala talaga. Puro kaya magaganda ang sumali diyan. Nabalitaan ko pa nga na kasali si Stef diyan.

"Ang maganda kaya anak. Natural na natural ang ganda mo di tulad ng iba diyan na kailangan pa ng mga kolorete sa mukha para lang gumanda." Sabi ni Nanay.

Ayun na nga, nakasama na ako sa contest na yan. Kasi naman si Nanay eh may patampo-tampo pang nalalaman. Sayang daw yung ganda ko kung di ko ipinapakita.

"Sigurado akong mananalo ang ating prinsesa." Ginatungan pa ni Tatay.

---

"Bakit pa sumali ang isa diyan? Di naman kagandahan." Sabi ni Steph.

Alam kong hindi maganda mag-aasume pero nararamdaman kong ako ang pinaparinggan ni Steph.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ngayon para sa beauty contest.

"Oo nga, nagagandahan siguro sa sarili niya." Pasabi pa nong isang contestant. Hindi ko nalang sila pinansin. Bahala sila kung anong pinagsasabi nila.

Sa wakas natapos na rin ang practice. Kakapagod. Sa susunod na agad gaganapin ang beauty contest. Yung mga kasamahan ko sobrang excited na nila. Eh ako, wala lang.

Pinuntahan ko si Daniel sa pinagtatrabahuan niya pagkatapos ng practic namin, para sabay na kaming uuwi.

---

"Kamusta ang practice niyo?" Tanong ni Daniel habang naglalakad kami pauwi.

"O--okey naman. Medyo nakaramdam lang ako ang pagod." Sino bang hindi mapapagod sa, sayaw dito, sayaw at dun.

*****

Vote? Comment!?

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon