LM: 24

4.8K 89 3
                                    

Daniel's POV

Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari sa akin?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang babaeng pinakamaganda sa mundong ibabaw at ang nagmamay-ari ng puso ko. Si Ayah. Mais ko naman! Hehe

"Mabuti't gising ka na." Lumapit siya sa akin at inilapag niya ang dala nyang tray na may lamang lugaw.

"Ito kumain ka muna puro ka kasi trabaho. Ayan tuloy nahimatay ka." Ayiie! Nag-alala sa akin mahal ko.

"Hoy! Anong tinutunganga mo diyan kumain ka na."

"Pwede bang subuan mo ako. Nanginginig kasi ang kamay ko." Palusot ko. Sana umubra. Hehe.

"Tss. Pasalamat ka maha-- may sakit ka kundi di kita susubuan. " Oy! Nadulas siya pero di ko muna papansinin.

"Salamat Ayah!" Para akong nakuryente nong hinahawakan ko ang kamay niya.

Nong kay Steph wala namang epekto sa akin.

-----

Ayah's POV

Aist! Muntik na akong madulas kanina mabuti't hindi napansin ni Daniel yung sinabi ko. Nakakahiya kong nagkataon.

"Salamat Ayah." Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko, para kasing may kuryente na dumadaloy nong hinawakan niya kamay ko.

"Sige, ililigpit ko muna tong pinagkainan mo." Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto niya.

Pagkalabas ko ng kwarto niya bigla akong napahawak sa dibdib ko.

*lub-dub* *lub-dub* *lub-dub*

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko kapag nasa harap ko siya. Masasaktan lang ko kung patuloy pa rin pagganito.

Kailangan ibaling ko ang nararamdaman ko sa iba para di na ako masaktan. Masaya na siya sa piling Steph.

Haaay! Buhay bakit ganito? Bakit hindi ka mahal ng taong mahal mo?

-----

Author's POV

Haaay! Buhay! bakit kaya ganun mahal ka na nga ng taong mahal mo, pero ikaw naman tong aayaw.

Haaay! Buhay pag-ibig napakakumplikado.

Magkasama na naman sina Ayah at Cyrus at ito namang si Daniel ay selos na selos. Gusto na nga niyang suntukin si Cyrus.

*Sa park*

"Ayah, kaanu-ano mo ba yung gwapong lalaki? Pwede mo ba akong ilakad sa kanya?" Tanong ni Cyrus. Oo, bakla po si Cyrus. Hehe. Sayanga eh, napakagwapong bata. Hehe

"Tumigil ka nga Cy-Cy. Akin yun." Sagot naman ni Ayah. Haha. Kung makaAKIN tong babaeng to parang gamit lang.

"Aeh! Di ba sabi mo kakalimutan mo na yung gwapong Fafa." -Cyrus

"Hindi na, baka mapunta pa sayo. Ayokong mangyari yun. Haha." Pagbibiro ni Ayah.

"Amg sama mo Atey!" Napagdesisyunan na kasi ni Ayah na hindi niya kakalimutan ang nararamdaman niya para kay Daniel.

Bahala na kung masasaktan siya ng paulit-ulit makasama lang si Daniel.

Kung naguguluhan kayo sa takbo ng desisyon ni Ayah pasensya po magulo din po kasi ang utak ng babaeng yan.

Hehe. Joke!

"Okey! Atey, kung saan ka masaya susuportadohan kita. Lumingon ka lang nandito ako sa likod mo"

"Pwede bang dito ka sa tabi ko, wag ka na sa likod baka magka-stiff neck pa ako."

"Aba! Si Vice Ganda ka na ngayon, Ayah."

"Tse! Walang pakialaman ng trip. Haha."

*****

Pagpasensiyahan niyo po magulo ang chapter na to.

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon