LM: 32

4.9K 94 2
                                    

Daniel's POV

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nong iniwan ko sina Ayah at Kiko.

.

Kamusta na kaya sila?

.

Nakapag-aral pa ba kaya si Kiko?

.

Si Ayah, malungkot pa rin ba siya?

.

Mahal na mahal ko pa rin siya.

Bumalik na lahat ng alaala ko pero yung pagmamahal ko kay Amanda hindi na bumalik.

.

Nameet ko na rin ang anak ko. Si Xavier. 2 years old na siya at kamukha niya ang mommy niya. Ang daya wala man lang nakuha sa akin pero sabi nila kung kumilos raw itong Xavier parang ako raw.

"Anak, tatlong buwan ka ng nakabalik sa dito atin. Kailan na ba kayo magpapakasal ni Amanda?" Tanong ni Dad sa akin. Napahinto naman ako sa pagkain.

"Dad, marami pa po akong inaasikaso sa opisina. Dalawang taon din po akong nawala. Pwede saka nalang yan." Hindi pa kasi ako sigurado sa pagpapakasal lalong-lalo na kay Amanda.

"Ang sa amin ng mommy mo, lumalaki na Xavier at---" Naputol ang sinasabi ni Dad ng magring ang phone ko. Tiningnan ko muna ang Screen baka kasi si Amanda tong tumatawag at pagpapasundo na naman sa akin.

Nang makita ko ang pangalan ni Benjo sa screen ay nagpaalam muna ako sa magulang ko para sagutin ang tawag.

"Mom, Dad, sasagutin ko muna to." Tumango naman sila at agad akong nagtungo sa labas.

"Oh, Ano Benjo, kamusta na sila?" Agad na tanong ko kay Benjo. Inutusan ko kasi siyang alamin ang kalagayan nina Ayah at Kiko.

[Sir Dave, mag-iisang buwan na pong wala sila sabi ng kapitbahay nila.]

"ANO?" Napataas ang boses ko sa narinig kong sabi ni Benjo sa kabilang linya.

[Sir, ayun po sa mga kapitbahay nila may sumundo raw sa magkakapatid na mga lalaking nakaitim.]

Sino kaya ang sumundo sa kanila? Wala naman akong kakilalang kamag-anak nina Nanay Rita at Tatay Nestor.

"Benjo, pupunta ako diyan." Pinutol ko na ang tawag.

"Aalis ka?" Tanong ni Amanda. Hindi na ako nagugulat kung bigla siyang susulpot. Nandiyan kasi yan kung saan ako ng dun.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Sa probinsiya kung saan ako naninirahan 2 years ago."

"Pwede ba akong sumama? Gusto kong pasalamatan ang kumupkup sayo."

"Wala na sila. Namatay sila nong sumabog ang bus na sinasakyan nila."

"Ganun ba. Eh, ba't ka pa babalik dun kung wala na pala sila."

"Alam mo, ang dami mo ng tanong kung gusto mong sumama edi sumama ka. Wag kang tanong ng tanong nakakairita kasi." Yun na ang nasabi ko at pumasok nasa loob para kunin ang susi ng kotse ko.

Amanda's POV

Ang daming nagbago kay Dave hindi naman siya dating ganyan. Simula nong bumalik siya parang hindi na siya si Dave na kilala ko nun pero gayun pa man, mahal na mahal ko pa rin siya.

Kahit tinapat na niya ako, na hindi na niya maibabalik ang nararamdaman niya para sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi niya, kay tagal akong naghintay at umasa na babalik siya pero wala na pala akong aasahan sa kanya.

Tanging si Xavier nalang ang nag-uugnay sa aming dalawa.

"Ano, sasama ka?" Nasa driver seat na pala siya at ako nandito pa sa labas. Kung dati pinagbubuksan pa niya ako ng pinto, ngayon hindi na.

Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto sa may shotgun seat at pumasok na.

Tahimik lang kami habang binabaybay namin ang highway. Kung dati kinakausap at hinahawakan pa niya ang kamay ko habang naghihintay ng GO signal, ngayon hindi na, kahit tapunan niya lang ako saglit ng tingin wala pa rin.

.

.

Dave, gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ulit ako.

*****

Vote? Comment?

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now