LM: 8

7K 119 2
                                    

Tatlong araw na silang naghahanap pero hindi pa rin sumusuko ang pamilya ni Dave. Lalong-lalo na si Amanda na sumama pa sa mga pulis sa paghahanap kay Dave.

At sa pagkakataong ito, may nakita ang mga pulis na isang puting sapatos na namantsahan ng natuyo na dugo.

Agad pinaalam ng mga pulis kay Amanda ang nakita nilang sapatos at napagkilanlan ito ni Amanda. Itong sapatos ang renigalo niya kay Dave nong huling birthday nito.

Nagsimula na namang umiyak si Amanda. Inalalayan siya ng kanyang ina na palagi niyang kasama sa sitwasyon ngayon.

"Mahahanap din natin si Dave. Tahan na."

Nagpatuloy pa rin sa paghahanap ang mga pulis hanggang sa kakahuyan. Sa kakahuyan lang ang maaaring puntahan ni Dave kung sakali mang nakaligtas ito dahil ito lang ang pinakalapit sa nahulugan ng van.

Nakapagtanong ang isang pulis sa isang maglalako ng mapadaan malapit dito. Napag-alaman niya, na may mga baboy ramo at kung anu-ano pang uri hayop na delikado sa looa ng kakahuyan. Kung sakaling nakaligtas si Dave, hindi siya makakaligtas dito sa kakahuyan.

Sinabi agad ng pulis sa kanyang mga kasamahang pulis ang nalaman. At sinabi na rin nila sa pamilya ni Dave at kay Amanda.

Mas lalong umiyak si Amanda. Hindi niya matanggap ang sinabi ng mga pulis.

Tumayo siya at tumakbo papunta sa loob ng kakahuyan ngunit agad naman siyang napigilan ng mga pulis.

Wala na siyang magawa kundi ang umiyak. Nilapitan naman siya agad ng ina niya at inalalayang tumayo.

"Hindi Maaaring wala na si Dave. Lalong-lalo na magkakaanak na kami." Sa isip ni Amanda.

*****

Kawawa naman si Amanda...at ang baby nila.

Patay o Buhay pa kaya si Dave?

Keep on reading!

Vote & comment din kayo.

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon