LM: 35

4.9K 93 1
                                    

Amanda's POV

Magmula ng magpunta kami sa dating tinitirhan ni Dave. Palagi na siyang naglalasing ni hindi na nga pumasok sa trabaho niya.

Hindi ko pa siya nakitang ganyan ka miserable. Ganyan ba niya kamahal ang babaeng yun pati sarili niya napababayaan niya?

Walang mabuting maidudulot ang paglalasing niya kailangan matigil na to.

Kinuha ko ang bote ng alak niya at itinapun sa malayo. Nandito kami ngayon sa kwarto niya.

"Ano ba *hik*?" Kukuha na naman sana siya ng alak ng pigilan ko siya.

"Ano ba Dave, tama na! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Dave, nandito naman kami ng anak mong si Xavier. Kami ang pamilya. Dave please, tama na!" At niyakap ko siya.

Dave, sana matauhan ka na. Mahal na mahal kita.

Nagulat ako ng niyakap niya rin ako.

Dave's POV

"Ano ba Dave, tama na! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Dave, nandito naman kami ng anak mong si Xavier. Kami ang pamilya mo. Dave please, tama na."

Tama si Amanda, pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Sila ang nandito ng anak ko ang nandito. Sila ang pamilya ko. Dapat sila ang pinagtuonan ko ng pansin.

Si Ayah? Wala na siya. Oo, kasalan ko kung bakit ako umalis ng walang paalam. Nasa maayos naman siguro sila, sa tipo ng sinabi ni Ayah kay Steph na 'wag mag-alala' sigurado akong nasa maayos sila.

.

Nay, Tay patawarin niyo po ako pero kailangan ko pong bumawi sa mag-ina ko. Sana po maintindihan niyo.

.

Siguro, ito na ang time para ayusin ko ang relasyon ko kay Amanda alang-alang sa anak namin.

Alam kong nagulat siya ng bigla ko siyang yakapin.

"Amanda, I'm sorry. Can we start all over again."

"Yes, Dave!" At hinalikan ko sa noo si Amanda.

*****

Thank you for reading!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now