LM: 34

4.7K 93 1
                                    

Dave's POV

Nandito na kami sa dating bahay namin. Nasa maayos pa din naman ang mga gamit. May mga alikabok na nga lang.

Napadako ang tingin ko sa hapag-kainan namin. Naalala ko, masaya kaming nagkwekwentuhan nina Nanay, Tatay, Kiko at Ayah habang kumakain.

Pagkatapos pumunta ako sa likod bahay, napahawak ako sa kulungan ni Oinky ang baboy na anak-anakan namin noon ni Ayah.

Bumalik na ako sa loob at pumunta sa kwarto ni Ayah kung saan huli kong siyang nakita na natutulog. Wala pa ring pinagbago ang ayos ng mga gamitin niya.

Kinuha ko ang unan ni Ayah at niyakap at inaamoy-amoy ko ito. Wala akong pakialam kung magmukha man akong bakla. Miss na miss ko na talaga si Ayah.

-----

Amanda's POV

Dito pala sa maliit na bahay na ito nakatira si Dave ng dalawang taon. Kawawa naman si Dave kung hindi pa siya nakita ni Benjo ay sigurado akong hanggang ngayon nagtitiis pa rin si Dave dito.

Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Naagaw ang pansin ko sa isang tokador na may larawang nakapatong sa ibabaw nito.

Kinuha ko ang isang picture namay tatlong tao, isang mid-40s na babae, isang mid-50s na lalaki at isang batang lalaki.

Sila siguro ang mga kumupkop kay Dave. Nang ibalik ko na sana ang picture frame, nasagi ko isang maliit na kahon at nahulog ang mga laman nito.

Mga pictures.

Pinulot ko ang mga ito, at sa di inaasahan nakita ko ang picture ni Dave na may kasamang babae at may nakasulat na pangalan sa ibaba.

Ayah <3 Daniel Forever

Napatakip ako ng bibig. Kaya pala hindi na ako magawang mahalin ni Dave dahil may iba na siyang mahal. Napaiyak na lang ako.

"Sir Dave, may nakita akong sulat." Agad lumabas si Dave na mugto ang mata galing sa isang kwarto.

"Akin na." Kinuha ni Dave ang sulat na hawak ni Benjo kanina.

"HINDI!" Pinunit ni Dave ang sulat pagkatapos ng basahin at agad lumabas ng bahay. Sinundan naman siya ni Benjo at ako naiwan rito.

Pinulot ko ang isang piraso ng sulat na hindi napunit ni Dave.

Kung magpaabot man ang landas natin muli Daniel. Sisiguraduhin kong wala na akong nararamdaman sa akin.

Kaya pala, nabuhayan ulit ako ng pag-asa mapasa akin si Dave.

*****

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant