LM: 39

4.9K 77 1
                                    

Dave's POV

Gising, ligo, bihis, baba, kain, puntang opisina, basa sa mga papeles tapos pirma.

Yan ang lagi kong ginagawa sa araw-araw magmula ng bumalik ako.

Nawawalan na ako ng oras kina Xavier at Amanda.

Nakakapagod.

---

Napagdesisyon kong magundertime nalang muna. Gusto kong supresahin si Xavier mamaya.

"DADDY!" Bungad ng anak kong si Xavier. Agad ko siyang binuhat at nilipad-lipad sa Ere.

"Hon, ang aga mo ata ngayon?" Amanda said, kalalabas palang ng kusina.

"Miss na miss ko na kasi tong si Xavier.___Nga pala, Hon sa bahay tatayo magdidinner na miss na kasi nina Mommy tong si Xavier." Sabi ko sabay gulo ng buhok ni Xavier.

"Okey, magbibihis na muna kami.___Baby, let's go come to mommy. Where gonna meet your Papu and Mamu." Kinuha sa akin ni Amanda si Xavier at pumanhik na sila sa taas.

Kung itatanong niyo kung nagkabalikan na ba kami ni Amanda, OO. Kung itatanong niyo rin kung mahal ko ba siya, HINDI KO ALAM.

Ang mahalaga ay magkasama kami alang-alang kay Xavier.

---

"MAMU, PAPU!" Agad tumakbo si Xavier pagkababa ng kotse sinalubong kasi kami ni Mommy at Daddy.

"Ang laki-laki at ang cute muna Xavier, di ba, Anselmo." Mommy said.

"Oo, kitang-kita ko nga, wag mo lang masyadong pisilin yung pisngi nong bata. Nasasaktan na oh." Kinuha ni Daddy ang kamay ni Mommy ng nakapisil sa pisngi ni Xavier.

"I'm sorry, Baby." Binuhat ni Mommy si Xavier at pumasok na sila sa loob ng mansyon.

Susunod na sana kami ni Amanda ng tinawag ako ni Daddy.

"Sige Hon, susunod na ako." I said to Amanda.

Naunang naglakad si Daddy papunta sa opisina niya.

"Dave, kailan niyo balak magpakasal ni Amanda?"

Bigla akong natigilan sa tanong ni Daddy.

Kailan nga ba?

.

Oo, masaya ako kay Amanda.

Masaya ako dahil binigyan niya ako ng isang Xavier.

Pero hindi naman sapat ang masaya ka lang para magpakasal. Dapat mahal mo rin siya.

Oo, minahal ko si Amanda pero NOON yun.

"Anak, hindi ka ba naaawa kay Amanda? Dalawang taon ka niyang hinintay. Sumuko na kami ng mommy mo pero siya nananatiling umaasa na buhay ka pa. Anak, hindi naman sa pinipilit kita na pakasalan siya. Ang akin lang anak suklian mo ang paghihintay at pagmamahal na binigay sayo ni Amanda. Alam kong mahal na mahal mo rin siya kaya bakit niyo pa patatagalin ang pagpapakasal." Napasinghap ako sa sinabi ni Daddy. Dapat ko na sabihin ko na ang totoo kaysa patuloy pa siyang umaasa na mahal ko pa si Amanda.

"Dad, alam niyo na nagkaamnesia ako 2 years ago. At sa dalawang taon na yun kinupkop, pinakain, inalagaan at minahal ako ng isang pamilya. Nakilala ko si Ayah ang babaeng nagtyagang nag-alaga sa akin. Ang babaeng natutunan kong mahalin."

"So, hindi muna mahal si Amanda? Hindi mo na siya papakasalan? Paano na ang apo kong si Xavier? Ayaw ko siyang maging bastardo." Dad said.

"Dad, ayaw ko po magpakasal sa babaeng hindi ko mahal."

"Minahal mo naman si Amanda kaya nga nagkaroon kayo ng isang Xavier." Dad said.

"Noon yun Dad. Si Ayah na ang mahal ko ngayon."

"That's final. Matutuloy na yung kasal na naudlot 2 years ago." And then he left me inside his office.

Ayaw ko talagang magpakasal kay Amanda. Masasaktan lang siya sa huli.

Sinubukan ko namang mahalin siya ulit pero hindi talaga mapapalitan si Ayah sa puso ko. Kahit hindi ko alam kung nasan sila ngayon.

.

Ayah, nasan ka na ba?

*****

Update. Update. Update.

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now