LM: 44

5.5K 81 2
                                    

Zaiko's POV

"Ang aga mong nagawi dito Kuya Vin?" Sabi habang pababa ng hagdan.

"Wala lang. Namiss ko lang ang pinakapaborito kong pinsan." At niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Ku-kuya Vin, hindi na ako makahinga." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Sorry Zai, tara mall tayo. Libre kita." Aya niya sa akin.

"Bakit Kuya Vin, bayad mo ba yan sa muntikan mong pagpatay sa akin?"

"Hehe. Parang ganun na nga." Napakamot naman ng batok si Kuya Vin habang sinasabi niya yun.

"Hm, sige na nga, magpapalit na muna ako." At ayun tumakbo na ako paakyat.

Pasalamat nalang ako wala si Kuya Haiko, kung nandito pa yun, Naku! Sermon na naman ang aabutin ko. Mas matindi pang manermon si Kuya Haiko kaysa kay Daddy

---

Nandito na kami sa mall at una naming pinasukan ay ang Blue Magic. Hehe. Gusto ko kasing magpabili ng stuff toys.

"Dito lang ako Zai, ikaw ng pumasok. Itong credit card ko. Bilhin mo kahit anong gusto mo."

"Di mo ba ako sasamahan?" Aizt! Wala akong taga-bitbit.

"Tsk! Dito lang kasi ako." Tapos tinalikuran na niya ako.

Bakit kaya ayaw niyang pumasok?

Aizt! Bahala na nga, nasa akin naman ang credit card niya. Hehe.

Vince's POV

Hindi ko sinamahan si Zaiko sa loob dahil nababadingan ako.

Habang hinihintay kong lumabas si Zaiko, nakita ko sina Dave at Amanda. Tinawag ko si Dave.

"Dave!" Agad namang napalingon si Dave sa gawi ko at ng mapagsino niya ako ay lumapit sila sa akin.

"Oh! Bro, sinong kasama mo?" Dave asked me. Si Amanda naman ay walang kibo sa tabi ni Dave at di makatingin sa akin.

Napasmirk na lang ako.

"Kasama ko si---"

"Kuya Vin, tapos--- Oh! Hi! Amanda. Hi! Zarragoza." Biglang sulpot ng Zaiko sa tabi ko.

Nakita ko naman sa expresyon ni Dave ang pagkagulat. Oo nga pala, hindi ko naipapakilala sa kanya na pinsan ko si Zaiko.

"Are you two dating?" Amanda my loves asked. Sasagot na sana ako ng nagsalita bigla si Zaiko.

"Hindi noh! Nilibre nya lang ako kapalit ng muntikan niyang pagpatay sa akin kanina. Hehehe"

Bakas sa mga mukha ni Amanda lalong-lalo na kay Dave ang pagkagulat. Sabihin ba naman nitong magaling kong pinsan ng muntikan ko na siyang mapatay.

"WHAT?!" Dave reacted. Hmm. I think Dave is still in love my cousin. Hehehe. Huli ka boy!

"Hahaha. Mukha niyo. Hindi naman sa ganun. Napasobra kasi ang yakap ko kay Zai kanina kaya hindi siya makahinga." Pag-eexplain ko.

"Ah! Ganun vah! Pinakaba niyo ako kanina. Nga pala, saan na ang punta niyo?" Agad naman nakabawi sa pagkabigla nitong si Dave.

"Kakain." Tipid kong sagot. Wala lang trip ko.

"Tamang-tama, kakain na din kami. Tara, sabay na tayong apat." Owz! Ang sabihin mo, gusto mulang makasama si Zaiko.

Okey pagbibigyan kita.

"Okey ba! Okey lang ba sayo, Zai?"

"Ah. Okey lang, para masaya." Isa pa tong pinsan ko. Alam kong mahal niya tong gagong to.

---

Tahimik lang kaming kumakaing apat. Katabi ko si Zai sa kabila naman magkatabi sina Dave at Amanda. Magkatapat kami ni Amanda at magtapat naman si Dave si Zaiko.

Di ko maiwasang mapatingin kay Amanda. Mahal na mahal ko talaga siya kaya gagawin ko ang lahat mapasa akin lang siya.

Sunod kong tiningnan ang katabi niyang si Dave. Tahimik lang itong kumakain minsan napapatingin siya kay Zaiko.

"Excuse, rest room muna ako." Paalam ni Amanda.

"Sure, take your time." Sagot naman ni Dave.

Nang makaalis na si Amanda. Nagpaalam rin ako sa kanila na may tatawagan pero ang totoo niyan susundan ko talaga si Amanda.

Amanda's POV

Bakit ba kasi inaya pa ni Dave sina Vince at Zaiko? Eh, date namin to. Kainis naman.

Nang matapos na akong magretouch lumabas na ako ng rest room at tulad ng dati nandito naman tong si Vince sa harap ng pinto.

"Hi! Babe, how are you?" Tsk. Same old line.

"I'm fine. So, can't you get out of my way, fiancee is waiting." I said then he give a smile. No. No. It's a smirk and is creepy.

"Oh! Babe, just stay here beside me. You might disturb them." Huh?

"What did you say?" I asked and then again he smirk.

"Ah. Nevermind." He said. When he said nevermind it makes me feel confuse.

"Babe, please don't marry him. His in love with someone and not you." Biglang uminit ang ulo ko sa mga sinabi niya.

"That's bullshit! Ako ang papakasalan ni Dave. Ako ang mahal niya at hindi si Ayah." I said.

"Alam kong, alam mo na mahal pa rin ni Dave si Ayah, papakasalan ka lang niya dahil kay Xavier." He said.

"Bakit ba palagi mong binabanggit ang pangalan ng babaeng yun? Umalis na siya di ba? At walang nakakaalam kung asan siya. Hindi niya nagawang hintayin si Dave. Eh ako, dalawang taon kong naghintay kahit walang kasiguraduhan." Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

Kakainis naman tong si Vince, kakaretouch ko lang.

"Eh, kung sabihin ko sayo na nandito lang sa paligid si Ayah." Bigla akong natahimik.

"Amanda, mahal na mahal kita at lahat kaya kong gawin mapasa akin ka lang kahit na pumatay pa ako ng tao tulad noon."

Di ko maiwasang matakot sa sinabi niya. Nalaman ko na siya ang dahilan kong bakit naaksidente ang sinasakyan nina Dave na van noon.

"Tama na! Vince! Lubayan mo na kami." Pinaghahampas ko siya sa dibdib.

"Sir, ano pong problema?" Tanong ng waiter na napadaan sa harap namin.

"Wala naman. Binibiro ko lang tong girlfriend ko." Sagot niya at umalis na yung waiter.

"Hindi kita lulubayan Amanda. Ngayon nandito ang totoong mahal ni Dave." Bigla akong nagulat sa sinasabi ni Vince.

"Anong ibig mong sabihin?" Hinila ako ni Vince para makita sina Dave at Zaiko na nag-uusap.

"Si--" Di na natuloy ang sasabihin ko.

"Yes! Si Ayah ay si Zaiko."

Titig na titig ako kina Zaiko at Dave na nagtatawanan. Napasinghap ako at muling hinarap si Vince

"Hindi mo ako makukuha Vince. Magpapakasal pa rin ako kay Dave kahit si Ayah pa ang mahal niya at hindi ako." Pabalik na sana ako sa mesa namin ng magsalita siya.

"Mapapasakin ra rin Amanda." Tuluyan ko na siyang iniwan sa kinatatayuan niya.

*****

Ilang churva nalang at matatapos na ang LOST MEMORIES. Wag po sana kayong magsawang maghintay sa update ko.

Maraming salamat po!

-dkc

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now