Tumawa siya at tumango bago kami nagsimula nang maglakad palabas ng amusement park. Na-receive ko na rin ang text ni Earl sa akin na kompleto na ang halos lahat ng kaklase namin sa loob ng bus kaya kailangan ko na rin pumunta doon. Siguro, ganoon din si Destinee.

Nang malapit na kami sa maraming bus na magkakatabi, huminto siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya, dahilan para mapahinto rin ako at mapalingon sa kan’ya.

“Uhm . . . d-dito na lang. Baka makita kasi ako ng kapatid ko na may kasamang lalaki. Baka magalit ‘yon. Tutal, malapit na lang naman.”

Napaawang ang bibig ko bago tumango sa kan’ya. “Okay . . . s-sige. Ingat ka na lang sa pag-uwi, Destinee. Magkita tayo kaagad.” Ngumiti ako sa kan’ya.

Kumaway siya bago nagsimulang maglakad palayo sa akin. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa school bus ng SLC pero mabilis na napahinto nang marinig ko ang boses niyang tinawag ang pangalan ko sa unang beses.

“Constantine!”

Lumunok ako bago humarap ulit sa kan’ya. Tumakbo siya papalapit sa akin saka mabilis akong niyakap. Naramdaman ko kung paano unti-unting nabasa ang damit na suot ko dahil sa tahimik na pag-iyak niya.

“Destinee . . . bakit ka umiiyak?”

Kumalas siya sa yakap bago tumingin sa akin gamit ang basang mga mata. Sumakit ang kung ano sa kalooban ko matapos makita ‘yon.

“Salamat. Gusto ko lang malaman mo, sobrang saya ko sa mga oras na nakasama kita.” She gulped as sobs went out of her mouth. “Hinding-hindi kita makakalimutan.”

Right after she said that, she tiptoed so I grabbed the chance to be the one to kiss her once again.

She initiated the kiss the first time . . . I’ll be the one to initiate the following kisses that we’ll share in our own little temporary world that we’ve created. She kissed back and I felt her lips trembling because she’s still crying.

Right after we broke the kiss, she chuckled before running away from me with a beautiful smile on her face.

It was the most beautiful scenery I have ever seen. And since that night, I engraved it into my heart and vowed to myself to never, ever, forget that one last moment I had with her.

***

I laughed as I stared at the faded photo at the back of my old phone.

“Sige nga, paano ko makakalimutan yung itsura mo kung ganoon ka kaganda sa paningin ko  bago tayo magkahiwalay ng landas?”

Napabuntonghininga ako nang malalim bago ibinaba sa tiyan ko ‘yon. Ipinatong ko ang likod ng ulo sa braso saka ipinikit ang mga mata para muling alalahanin lahat ng nangyari noong araw na ‘yon.

Simula noong nalaman ko ang kaunting detalye na ‘yon tungkol kay Destinee mula kay Solari, para akong walang ganang gawin ang lahat. Mabuti na lang talaga, tapos na ang final examination kaya hindi naapektuhan ‘yon sa pagiging magulo ng isip ko ngayon.

Nang mga sumunod na araw ng linggong ‘yon, hindi na muna ako pumunta sa department nina Solari dahil sa tuwing naalala ko ang pinasabi ni Destinee, sumasakit ang loob ko. In-imagine ko na sinasabi niya sa akin ang mga huling salita na ‘yon gamit ang eksaktong imahe ng babaeng nakasama ko sa amusement park.

Hindi talaga kita kilala . . . sorry.

Mabagal na pumatak ang luha mula sa kanang mata ko matapos kong imagine-in ang bagay na ‘yon. Nagbuntonghininga ako at bumangon saka naupo na lang sa harap ng computer para maglaro na lang ng Valorant.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now