Chapter 19

47 5 0
                                    

    Nang sumapit ang hapon, gumayak na ako para sa pagkikita namin ni Destinee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   
Nang sumapit ang hapon, gumayak na ako para sa pagkikita namin ni Destinee. 3:30 p.m. pa lang, nasa coffee shop na ako at naghihintay sa kan’ya. Um-order na rin ako ng frappe para naman hindi nakakahiyang maghintay nang matagal. At least may in-order na ako at hindi tambay lang.

Five minutes bago mag-alas k’watro, nakita kong bumaba si Destinee sa jeep saka tumawid papunta dito. Inayos ko kaagad ang sarili bago pa man siya dumating. Ilang sandali pa, nakita ko na siyang pumasok sa loob ng coffee shop, nakasuot ng blue jeans at white blouse saka doll shoes na skin tone. Nakatali ang kalahating buhok niya sa likod ng ulo habang ang kalahati ay nakabagsak.

Nang tuluyan na siyang makalapit, ngumiti ako sa kan’ya. Hindi naman niya ibinalik ’yon. Sa halip, dumeretso siya sa counter para um-order ng dalawang kape.

“K-Kanina ka pa dito?” tanong niya habang umuupo, nakatingin sa pinaglagyan ng naubos kong kape.

Umiling ako  “H-Hindi naman. Inagahan ko lang din talaga dahil w-wala namang gagawin sa bahay.”

Tumango siya bilang tugon. Natahimik kaming dalawa pagkatapos n’on. Nagsisimula nang kumabog ang dibdib ko dahil naalala ko na naman yung nagawa ko sa kan’ya.

Magsasalita na sana ako ulit para mag-sorry dahil napaiyak ko siya noong nakaraan. Gusto kong ipaliwanag ang lahat pero napatigil din dahil tinawag na ang pangalan niya para sa order. Tatayo na sana siya nang pinigilan ko.

“Ako na,” sabi ko.

Tumango lang siya bilang tugon at hinayaan akong kuhanin ang order namin saka bumalik sa kan’ya. Pagkalapag ko ng dalawang kape sa table namin, ibinaba ko ang tray sa isang bakanteng table.malapit sa amin saka ako bumalik sa pagkakaupo.

Habang humihigop siya ng kape, pati ako napahigop na rin. Bakas pa rin sa kan’ya ang pagiging uncomfortable dahil sa nagawa ko.

“Uhh . . . Destinee, g-gusto ko sanang magpaliwanag at mag-sorry tungkol—”

Napatigil ako sa pagsasalita nang yumuko siya at may kinuha sa bag saka inilapag sa lamesa ang isang 4R picture na kuha sa roller coaster.

Napatigil ako at napatitig sa mga babaeng nandoon sa litrato . . . lalo na sa isa.

“Ito yung sinasabi kong ebidensiya na dadalhin ko once magkita tayo ulit. That photo was taken when I was in grade 10. Field trip namin ito at ayan ako--” Itinuro niya ang babaeng tinititigan ko sa picture. “--kasama ang mga friends ko. This is also the date that the photo was captured.”

Sa kanang ibaba ng picture, nandoon ang month, day at year ng fieldtrip namin--noong araw na nakasama ko si Destinee.

Pero hindi . . . hindi si Destinee ang nasa picture. Hindi siya yung nakasama ko noon . . . pero alam kong nakita ko rin siya noong araw na ’yon pero hindi ko na matandaan kung paano.

“D-Destinee . . .”

“See? I’m not lying. I’m not the person you are looking for. If you’ll find my friends, ask them if they know you and I’m sure that they’ll say no because we never really met you there.”

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now