Chapter 53

43 3 0
                                    

   

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

   

Hindi ako matandain sa numbers kaya naman kinuha ko kaagad ang cellphone bago pinaulit kay Destinee ang mga sinabi niya kanina.

"P-P'wedeng pakiulit? Kabisado mo pa ba?"

Hindi siya sumagot ng oo o hindi. Sa halip, inulit niya nang inulit ang mga numero. Nang masigurado kong tama ang mga naka-type ko saka sa mga binabanggit niya, nagpasalamat ako sa kan'ya dahilan para huminto siya. Mabilis kong tinawagan ang numero.

Hindi ko alam kung kaninong number ang mga binanggit niya. Hindi 'yon sa akin at hindi rin sa kan'ya. Naghintay ako na mag-ring ang number pero out of coverage na ito. Tinawagan ko ulit pero gano'n din ang narinig ko. Ilang beses kong inulit-ulit pero wala. Napabuntonghininga ako bago lumingon kay Destinee.

"K-Kaninong number 'yon?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Hindi niya na ako tinitingnan at hindi na rin siya talaga nagsasalita ulit. Parang hindi niya ako narinig kanina. Gusto ko man ulitin pero natatakot ako na baka mainis o makulitan siya sa akin dahil pinapaulit-ulit ko siya magsalita.

Dahil sa kan'ya nanggaling ang mga numerong ito, alam kong hindi ito basta-basta number lang. Hindi siya nanghula dahil ilang beses niyang inulit ang sunod-sunod na numerong 'yon at iisa lang ang sequence ng lahat. May nagmamay-ari nito . . . at mahalaga 'yon kay Destinee. Sigurado ako.

Nang kailangan na nilang bumalik sa sari-sarili nilang room, nagpaalam na ako sa kan'ya at sinabing babalik din ako kaagad. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na parang isang parte ako ng libro na minememorya niya.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Palagi mong tatandaan na nandito ako. Hindi ka mag-isa, Destinee. Kasama mo ako palagi . . . sa lahat."

Mabilis na naipon ang mga luha sa sulok ng mga mata niya. Ngumiti ako bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan sa noo bago siya hinayaang kuhanin ng nurse sa akin. Habang naglalakad sila palayo, lumingon siya sa akin. Tumigil siya sa paglalakad hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang pumiglas siya sa nurse at naglakad papalapit sa akin.

"D-Destinee!" nagpa-panic na sabi ko bago siya sinalubong. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. "B-Bakit? May kailangan ka pa?"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. "I'm . . . sorry."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "H-Huh? Bakit? Wala kang ginawang masama sa akin."

Umiling siya nang umiling. "H-Hindi ako . . . tumawag."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Ano bang ibig niyang sabihin?

"H-Ha?" Pilit akong tumawa bago hinigpitan ang hawak sa mga kamay niya. "Kailan? Ayos lang 'yon. 'Wag ka nang mag-sorry. 'Wag ka nang umiyak, please."

Lalo siyang umiyak dahil do'n. "Wala akong . . . cellphone."

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, kailangan kong pakinggan ang lahat ng sinasabi niya.

Forgotten Seal Of PromisesDär berättelser lever. Upptäck nu