Chapter 52

47 5 0
                                    

   Hindi siya sumulat pabalik

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  
Hindi siya sumulat pabalik.

Inasahan ko naman na ‘yon. Noong sumulat ako kay Destinee, hindi ako naghangad ng kahit na ano sa kan’ya dahil alam kong hindi niya pa kaya--hindi pa siya handa. Hindi nga rin ako umasang babasahin niya ‘yon. Pero . . .

“Binasa niya.”

Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ang kutsara’t tinidor, kasamang kumakain ang buong pamilya.

“T-Talaga ho?”

Ngumiti nang maganda si Mama. “Oo. At simula nang dumating sa kan’ya ang sulat na ibinigay mo, hindi niya ‘yon binitiwan kung hindi naman kailangan. Hanggang sa pagtulog, hawak niya ‘yon. Sigurado akong nakatulong ‘yon sa kan’ya. Baka naramdaman niyang . . . hindi naman talaga siya mag-isa sa simula pa lang.”

Ngumiti si Mama kasabay ng pagkinang ng mga mata niya bago hinawakan ang kamay ko.

“Maraming maraming salamat, anak. Kung ano man ang nasa sulat na ‘yon, sigurado akong nagustuhan niya ang lahat ng ‘yon.”

Ngumiti ako bago nag-iwas ng tingin at hindi na nagsalita. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga kapatid ko na para bang hinihintay nila ang sasabihin ko . . . o ang pag-iyak ko.

Gusto kong umiyak sa tuwa, pero hindi. Magpapakatatag na ako, lalo na ngayong nagkaroon ulit ng panibagong improvement si Destinee. Naniniwala ako na babalik din siya sa dati--babalik din siya sa akin.

Nang matapos kumain, dumeretso ako sa k’warto at gumawa ng panibagong sulat para kay Destinee. Ikinwento ko sa sulat ang mga unang linggo ko noong pinasok ko ang buhay ng college at kung gaano kahirap ang bawat subject nito. Hindi ko rin siyempre kinalimutan na kumustahin siya at hilingin na sana, magkita na ulit kami.

Dahil miss na miss ko na siya.

Kinabukasan ng umaga, bago pumasok si Mama, iniabot ko ulit sa kan’ya ang panibagong sulat. Malugod naman niya iyong tinanggap at sinabing makakarating ito kay Destinee.

Sa bawat umaga sa araw-araw, wala akong ibang ginagawa kung hindi ang magpadala ng sulat kay Destinee. Doon kinukwento ko lahat ng mga nangyari sa buhay ko matapos naming magkita noong unang beses. At ang sarap sa pakiramdam malaman na naging malaking tulong ’yon sa kan’ya.

Isang araw bago ang birthday niya, nakatanggap ako ng balita kay Mama.

“Anak . . .”

Napakunot-noo ako bago lumapit sa kan’ya sa living room.

“Bakit, ’Ma?”

Ngumiti siya sa akin bago tumayo saka hinawakan ang magkabilang palad ko.

“P’wede mo na siyang dalawin. Hindi pa p’wedeng kausapin nang kausapin pero p’wede mo na siyang lapitan . . . dalawin. Everyday, may three hours na ibinibigay sa iba sa kanila para magpahangin sa labas--sa malaking backyard. P’wede mo siyang dalawin sa ward pero kung gusto mo siyang makita nang mas maayos, pumunta ka ng 8:30 a.m. dahil ’yan yung oras na hinahayaan sila magpahangin sa backyard.”

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now