Chapter 31

47 4 0
                                    

  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  

Tulad ng pinag-usapan, umagang-umaga pa lang, gumagayak na ako. Nagtataka sina Mama at Eunice kung bakit ang aga ko nagising kahit Linggo, hindi nga naman ako sumasama kapag nagsisimba sila. Si Veronica, hindi pa rin ako pinapansin.

“Magsisimba ako,” sagot ko habang kumakain ng sandwhich sa dining area.

“Bakit hindi ka pa sumabay sa amin?” tanong ni Mama na kumakain na ng breakfast niyang sinangag. Si Papa, tinitingnan lang ako nang nagtataka.

Umiling ako. “May kasama ako.”

Matapos n’on, nagpaalam na ako sa kanilang aalis na.

“Dalhin mo rito ’yan,” sabi ni Papa.

Napalunok ako. “Sa birthday ko, ’Pa.”

Inasar-asar pa ako ni Eunice bago tuluyan nang umalis. Kinuha ko ang sasakyan at nag-drive papunta sa simbahan na sinabi ni Destinee. Mabilis akong nag-drive, sakto dahil walang traffic. In less than 30 monutes, nakarating ako do’n. Kinuha ko ang cellphone habang naglalakad papasok sa simbahan. May text siya.

Destinee:

Nandito na ako! Nasa left wing ako mear the altar, makikita mo ako kaagad.

I replied.

Me:

Okay, nandito na rin ako. ;)

Dahil maaga pa at hindi pa nagsisimula ang misa, kaunti pa lang ang mga tao sa loob. Nakita ko kaagad siya na naghahanap din habang nakaupo, hanggang sa ngumiti siya bago kumaway. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto niya. 

“Hi,” I said before sitting beside her.

“Hello.” She smiled.

It was a little bit awkward. Dahil siguro sa nangyari sa library. Medyo naiinitan tuloy ako kahit na ang laki naman ng fan na nandito.

Simple lang ang suot niya. Naka-white na blouse at blue jeans saka flat shoes lang siya tapos may maliit na shoulder bag. Yung ayos niya, nakabagsak na ang buhok. Pansin ko na hindi na niya inilit yung braids. Bagay naman sa kan’ya ang lahat. Ang ganda niya pa rin sa kahit na anong ayos.

“Inihatid ka ng papa mo?”

Tumango siya. “Oo, bago sila nag-date ni Mama.” She chuckled. Natawa na rin ako.

“Sabi ng papa ko, dalhin daw kita sa bahay.”

Mabilis na namula ang mukha niya. “N-Ngayon?”

Tumawa ako. “Hindi. Sinabi ko, dadalhin kita sa birthday ko.”

She gulped. “I think I need to prepare.”

Tumawa ako. “Hindi na, mabait sila sa bisita, ’wag kang mag-alala. Sa akin lang naman galit palagi ’yon.”

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon