Chapter 33

44 4 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Saturday finally came. It's my birthday. Sa buong buhay ko yata, ngayon lang ako naging excited sa darating na bisita.

"Ayusin mo d'yan, oy! Hindi naman magkamukha ang table cloth," pagmamando ko pa kay Eunice.

Padabog niya 'yon binitiwan saka pumaywang kasabay ng pagharap sa akin.

"P'wede ba, Concon! Doon ka na nga sa loob! Alam ko ginagawa ko, okay? Ngayon ka na nga lang tutulong, eh!"

Psh! Gusto ko lang naman maging maganda ang set-up, tutal, ako naman ang may birthday.

"Maghiga ka na lang sa k'warto mo tutal, birthday mo naman. Hayaan mo na si Eunice at alam na alam niya na 'yan. Hindi ka mapapahiya sa bisita, okay?"

Napabuntonghininga na lang ako bago umalis ng backyard kung saan nag-o-organize si Eunice ng party. Si Veronica tumutulong din pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Hindi ko pa rin alam kung anong ginawa ko para magtampo siya nang ganito katagal pero bahala na. Kakausapin ko na lang siya mamaya pagkatapos nitong party.

Nang makapasok sa loob ng bahay, nakita ko si Papa na nasa living room, may mga papeles na nasa center table. May mga index tabs din na nakadikit sa bawat dulo ng papel nito. Hindi ko na lang siga nilapitan pa dahil alam kong readings niya 'yon sa kasong hinahawakan niya. Dumeretso na lang ako sa k'warto at ibinagsak ang katawan sa kama.

Boring.

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang mga na-receive na notification sa iba't ibang application. Sa class group chat, maraming mentions sa akin na binabati ako ng happy birthday. May tagged posts din sina Solari, Eunice, Earl, at ang iba pang mga pinsan at kaibigan na ka-close ko. Hindi na ako nag-abala pang buksan 'yon dahil siguradong epic shots ko lang 'yon. Mamaya na nila sirain ang araw ko kapag patapos na.

May mga private message din akong natanggap kina Crissa, Paul, Leslie, Fely, Topher at sa mga kaibigan ko sa psychology department. Nag-reply ako sa kanila at sinabing inaasahan ko na pupunta sila mamaya, tutal, inimbita ko naman sila.

Wala pa akong natatanggap na text kay Destinee. Mahigit alas-diez na ng umaga. Hindi naman niya siguro nakalimutan, tutal, siya itong excited na excited sa araw na 'to.

Ngumuso ako at nagtipa ng message para sa kan'ya.

Me:

Good morning. See you later. 💛

Nang ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nag-reply, nagbukas na lang ako ng PC para magpalipas ng oras sa Valorant. Medyo wala pa nga ako sa mood maglaro dahil nagta-trashtalk-an ang mga englishero kong kakampi pero bahala sila. Kahit manalo o matalo 'to, wala naman akong pakialam. Laro lang naman 'to para sa akin.

Nang tinawag na ako para mag-lunch, ch-in-eck ko na muna yung cellphone ko. Marami ulit natanggap na notification 'yon pero wala naman mula kay Destinee.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon