Chapter 22

45 6 0
                                    

   

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

   

Tumupad ako sa napag-usapan namin ng papa ni Destinee. Hindi ko na ni-contact pa ulit ang anak niya. Pero bukod sa dahilan na 'yon, isa pa kung bakit napagdesisyunan kong dumistansya na nga lang ay dahil malaking parte ng pagkataong kinalimutan niya ang nalaman ko.

Hindi kaya ng konsensya kong magpanggap na walang alam tungkol sa kan'ya pagkatapos nito.

Isang linggo na nang magsimula ang pasukan para sa ikalawang taon ko sa kolehiyo bilang estudyante ng sikolohiya. Nagsasawa na naman akong mag-aral kahit na halos kasisimula pa lang ng panibagong taon. Hindi ko alam kung tama pa bang desisyon ang magpatuloy, wala naman akong makitang purpose nito sa buhay ko.

Hindi ko na rin dinalaw pa ang department nina Solari at Destinee. Hindi ko alam kung hinahanap-hanap ba nila ako pero naikwento ko naman na kay Solari ang tungkol doon—na nahanap ko na nga ang Destinee na hinahanap ko pero wala na siya. Hindi ko na lang sinabi ang totoong pangalan at ang kwento ng pagkamatay dahil sa tuwing naaalala ko, sumisikip ang dibdib ko.

"'Tang ina, nandito ka na naman!" bulyaw ko nang makita si Earl na pumasok sa k'warto ko.

Tumawa siya bago ibinagsak ang katawan sa kama. "Ano ba 'yang ginagawa mo? Abalang-abala ka na naman d'yan!"

"Nag-aaral kasi akong mabuti dito, 'wag mo nga akong igaya sa 'yo na may review at trabaho pero nakukuha pang tumambay dito palagi," sagot ko habang nagsusulat sa yellow paper.

'Tang ina, ah? Pagod na ako! Napakarami naman kasing isinusulat!

Tumawa ulit siya bago bumangon. "Ayain sana kitang uminom sa labas. Bar naman tayo, 'tang ina mo, simula nang napadpad ka sa psychology department, napakadalang mo nang sumama sa amin gumimik!"

Ibinagsak ko ang hawak na ballpen saka sumandal bago humarap sa kan'ya.

"'Wag ngayon, okay?"

Humalukipkip siya. "Palagi na lang 'yan ang isinasagot mo sa akin simula noong inaya kita noong nakaraan! Gusto ko lang namang sumaya ka kahit isang gabi lang, eh."

Umirap ako sa kan'ya. "Kaya kong pasayahin ang sarili ko, Earl! May kamay ako!"

Humagalpak siya ng tawa. "Alak lang ang sinasabi ko, putang ina nito!" Pati ako, natawa na rin nang malakas. "Magpa-party lang, hindi mambababae, hayop ka. Alam kong kahit na anong mangyari, hindi kita maaaya sa gano'ng bagay at hindi ko rin naman gawain 'yon!"

Unti-unting humupa ang tawanan naming dalawa hanggang sa pareho na kaming natahimik. Pumasok na naman sa isip ko ang lugar na pinuntahan ko noong nakaraan na punong-puno ng sagot at katotohanan tungkol sa mga tanong ko sa buhay.

"Ngayon ko lang ulit naalala. Feeling ko talaga, 'yon yung kumalat na chismis noong bago tayo g-um-raduate noong grade ten." Lumingon ako sa kan'ya. "Hindi lang ako sigurado pero may napabalita noon na nagpakamatay two weeks before graduation. Hindi raw ibinurol 'yon kaya hindi man lang nakita ng mga kaklase o kaibigan."

Forgotten Seal Of PromisesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora