Chapter 09

56 5 0
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

"Miss mo na siguro talaga siya."

'Yon ang una niyang nasabi matapos kong maupo sa tabi niya. Ilang minuto kaming natahimik pagkatapos ng ginawa ko kanina. Akala ko, magagalit siya dahil sa itinanong ko pero tinapik niya lang ang likod ko nang paulit-ulit hanggang sa mapakalma niya na ako.

"Sorry kung kamukha ko siya. Nasasaktan ka tuloy ngayon. Siguro, tama ngang 'wag muna tayong magkita. Baka kasi ako yung nagdudulot ng sakit sa 'yo."

Mabilis akong umiling bago humarap sa kan'ya. "Hindi. Hindi ikaw. Ako 'yon. Kung mayro'n man dapat sisihin, ako 'yon. Wala kang kasalanan."

Tumawa siya nang mahina. "Sorry talaga. At sorry rin dahil hindi ako siya. Mas madali siguro kung ako 'yon, 'no?"

Napalunok ako bago lumapit nang bahagya sa kan'ya. "P'wede naman tayong maging magkaibigan, 'di ba? Ayos lang sa akin kahit na hindi ikaw yung hinahanap ko. Gusto ko lang na maging . . . magkaibigan tayo."

Para na siguro akong tanga. Nasa isip at puso ko yung paniniwalang siya ang hinahanap ko pero sinasabi ko lahat ng 'to ngayon para hindi niya ako itulak palayo dahil hindi na niya nagugustuhan kung paano ako umakto sa tuwing magkalapit kami.

Tatanggapin ko na yata ang lahat basta 'wag lang siyang lumayo.

Ngumiti siya bago humarap sa akin. "Gusto mo ba akong maging kaibigan dahil magkamukha kami ng first love mo?" Tumawa siya nang mahina. "Ayos lang naman. Pero mas maayos siguro kung gugustuhin mo akong maging kaibigan dahil sa kung sino talaga ako."

Hindi ako nakapagsalita. Nagbuga siya ng buntonghininga bago ibinalik ang tingin sa harap at pinanood ang mga estudyanteng naglalakad papunta sa parking lot.

"Ayaw kong ma-disappoint ka kapag napagtanto mo na malayong-malayo talaga ako sa taong gusto mong makita sa akin. Ayaw kong may taong ma-disappoint sa akin dahil umaasa sila sa bagay na hindi ko naman kaya—sa hindi naman ako talaga." Tumango-tango siya nang marahan bago lumingon sa akin. "In short, hindi ko kayang maging katulad ng taong hinahanap mo. Coincidence lang siguro na magkamukha kami at pareho kami ng pangalan. Siguro, kailangan mo nang tanggapin 'yon."

Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya. "Tinanggap ko naman na 'yon noon pa, kaya nga hindi na kita nilalapitan. Tanggap ko na yung katotohanang hindi ikaw siya pero sa tuwing may ginagawa ka na katulad ng ginagawa niya, hindi ko maiwasang isipin na baka ikaw nga siya—baka nakalimutan mo lang ako talaga."

Tumawa siya kinuha ang cellphone na nag-vibrate sa bulsa niya. "Pasensiya na talaga, hindi talaga ako 'yon. Sinubukan naman kitang alalahanin pero wala talaga. Yung sinasabi mong nakasama kita noong grade 10 sa amusement park, wala talaga dahil kasama ko ang mga kaibigan ko noon. May picture pa nga kami sa roller coaster, eh." She laughed before smiling a little at me. "Hindi talaga kita kilala, sorry."

Napaiwas ako ng tingin matapos marinig ang huli. 'Yon na nga ba ang sinasabi ko at darating ang araw, maririnig ko mismo ito sa kan'ya. Hindi ko naman inasahan na ganito kasakit ang mararamdaman ko. Masakit na nga noong in-imagine ko, mas masakit pa pala kapag narinig ko mismo sa kan'ya.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now