Chapter 11

49 5 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Dinala ko siya sa restaurant kung saan p'wede naming i-dine in ang isang buong litsong manok. Dahil nauuso na ngayon ang unlimited meat, unlimited chicken wings at unlimited seafoods, hindi na rin nakapagtataka na may mga business owners na magbubukas ng restaurant na mag-o-offer ng ganitong service.

Sa totoo lang, mas masarap pa ngang kumain nang ganito—yung ikaw mismo ang pipiraso ng parte na gusto mo.

Ini-serve na sa table namin ang isang buong manok. May mga slice 'yon sa bawat parte para madaling makuha. Naglagay na rin ng isang pitsel ng iced tea at dalawang baso sa amin dahil kasama ito sa package na in-order ko.

"Thank you," sabi ni Destinee sa mga waiter.

Iniabot ko sa kan'ya ang disposable gloves para maisuot na niya dahil magkakamay lang kami pareho. Nagpasalamat din siya sa akin bago isinuot ang mga 'yon sa kamay niya. Nang matapos kong isuot ang sa akin, nakita ko na parang natatanggal ang sa kan'ya. Siguro dahil sa laki ng size, hindi fit sa maliit niyang kamay.

Nagbuntonghininga ako bago marahang hinawakan ang palapulsuhan niya papalapit sa akin saka ibinuhol ang dulo ng disposable gloves. Ramdam ko ang pagkailang niya sa ginawa ko at hindi ko naman intensyon 'yon. Gusto ko lang naman na maging komportable siya kapag kumain na kami.

Nang matapos, binitiwan ko na siya. Ngumiti siya sa akin.

"Salamat."

Tumango ako. "Kain na tayo."

Tumango siya bago itinuon ang pansin sa malaking manok na nasa harap namin. Pinanood kong umikot ang mga mata niya sa pag-iisip kung anong parte ang kukuhanin niya. Sa huli, ngumiti siya nang maliit bago kinuha ang puwit ng manok.

Napalunok ako kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Alam kong nandito ako para obserbahan siya at masagot ang mga tanong ko . . . pero bakit ganito?

Ito na ba yung sagot na hinahanap ko?

Suminghap ako bago kinuha ang isang drumstick at inilapag 'yon sa plato niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang nagtataka.

"Ayaw mo?"

Bahagya akong ngumiti sa kan'ya bago kinuha na lang ang pakpak ng manok. "Gusto kong kainin mo ang mga pinakamasarap na parte ng manok, Destinee."

Tulad ng pinangako ko sa Destinee na minahal ko noon . . . na ibibigay ko sa kan'ya ang pinakamasarap na parte ng manok.

"S-Salamat." Tumawa siya nang mahina. "Ikaw lang yata ang gumawa sa akin nito. Palagi mo na lang ginagawa sa akin ang mga bagay na hindi ko pa naranasan. Salamat, Constantine."

Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Tahimik na lang akong kumain at inisip nang mabuti ang bawat kilos at linyang binibitiwan niya.

Destinee . . . nasaan ang kapatid mo? Kung hindi ikaw ang hinahanap ko, sigurado na akong yun ay ang kapatid mo.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now