Chapter 21

44 5 0
                                    

      Buong oras na nasa loob ako ng sasakyan ng papa ni Destinee, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-isip nang mag-isip kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kung saan man niya ako dadalhin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     
Buong oras na nasa loob ako ng sasakyan ng papa ni Destinee, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-isip nang mag-isip kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kung saan man niya ako dadalhin.

Handa ba akong sundin ang kapalit nito? Handa ba akong layuan siya para lang masagot na lahat ng tanong sa isip ko?

Pero alam ko naman na kahit papaano, tama pa rin ito. Nilalayuan na rin ako ni Destinee. Tutal, wala pa namang nahuhulog sa aming dalawa, hindi pa naman ako nahuhulog sa kan’ya, siguro nga kailangang layuan ko na rin siya.

Baka nga kasi nasisira ko ang pamilya nilang matagal pinaghirapang ayusin ng papa niya.

Kumabog ang dibdib ko nang mag-park siya sa harap ng columbarium. Inasahan ko na ’to . . . na sa mga ganitong klase ng lugar niya ako dadalhin . . . pero hindi ko pa rin maiwasan ang magulat, matakot . . . masaktan.

“Sasabihin ko sa ’yo ang lahat pagkapasok natin sa loob,” sabi niya bago tinanggal ang seatbelt saka lumabas ng sasakyan.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga. Paulit-ulit kong kinalma ang sarili bago ako sumunod sa kan’ya sa labas. Nang makita ako, nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob.

Umakyat siya sa malapad na hagdanan. Tahimik akong sumunod sa kan’ya habang ang mga tuhod ay halos bumigay na sa panginginig. Nang makarating kami sa third floor, pumasok siya sa loob n’on at tinahak ang daan kung nasaan nakahilera ang mga puting vault na may mga nakaukit na pangalan ng namatay--ang mga nagmamay-ari ng abong nakalagay sa bawat urn sa loob nito.

Huminto siya sa isang vault kung saan may kulay pink na tulips ang mga nakalagay sa gilid nito. Hinagkan niya ang buong pangalan na nakaukit doon.

Desiree Y. Esquivel

Nakalagay din doon na March 23 ito namatay, six years ago. Dalawang linggo bago ang moving up ko noong grade 10. December 12 ang birthday . . . katulad ni Destinee.

“Siya . . . ang kakambal ni Destinee.”

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko matapos marinig ang kompirmasyon mula sa kan’ya.

“Hindi siya nagkasakit kaya nandito siya ngayon. Hindi siya sakitin. Wala ring ibang tao ang gumawa sa kan’ya nito. Wala siyang kaaway o ano pa man.”

Lumunok ako bago lumingon sa kan’ya. Nasa gilid na ang mga luha at halatang pinipigilan lang ang pagbuhos nito sa bawat paglunok niya.

“Umalis siya nang kusa . . . tinapos niya ang paghihirap na dinanas niya nang mag-isa . . . nang hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino man sa amin na pamilya niya.”

Muli, napahugot ako ng paghinga sa narinig. Ibinalik ko ang paningin sa nakaukit na pangalan. Gusto ko rin hagkan pero ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa mga nalalaman.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now