Chapter 36

41 3 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Habang inihahatid nina Solari at Destinee ang lasing na si Veronica sa k'warto nito, niyaya ko si Earl papunta sa garden kung saan wala ang mga bisita.

Oras na makarating kami ro'n, humarap ako sa kan'ya saka siya sinuntok nang malakas, dahilan para matumba ito sa sahig.

"Putang ina naman, Earl!" Humugot ako ng malalim na paghinga. "Ano 'to?!"

Pinanood ko siyang hirap na hirap na tumayo saka humarap sa akin.

"Wala na, tapos na 'yon, Con!"

Lalong napakuyom ang kamao ko. "Dahil tapos na kayo, sa tingin mo, hindi na natin dapat pag-usapan?!" sigaw ko. "Itinago mo sa akin, Earl! Kaya ba halos araw-araw ka dito kahit busy ka ay dahil kay Veronica?! Kasi girlfriend mo siya?!"

Nagbuntonghininga siya. "Hindi ko girlfriend ang kapatid mo–"

Muli ko siyang sinuntok sa panga. "Hindi mo girlfriend pero sini-sex mo?! Akala mo ba nakalimutan ko na yung sinabi mo sa akin noon?!"

Lumunok siya saka tumingin sa ibaba, hawak ang panga na sinuntok ko ng dalawang beses.

"Gusto ko si Veronica kahit noon pa pero ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa mas bata sa kan'ya, kaya hindi na ako umasa! Nagka-girlfriend ako at nagkaroon siya ng boyfriend. Naalala mo ba yung binugbog mo noong college tayo dahil umiyak siya? Nagalit siya sa 'yo noon dahil pinakialaman mo siya! Sa akin siya palagi naglalabas ng hinaing tungkol sa 'yo at sa ginawa mong 'yon!"

Napaiwas ako ng tingin, mahigpit pa rin na nakakuyom ang kamao.

"May nangyari sa amin ng unang beses. Gusto kong panindigan siya. Sinabi ko na gagawin ko ang lahat. Pero hindi siya pumayag dahil mahal niya pa yung putang inang lalaking nanloko sa kan'ya! Hinayaan ko siya. Dumistansya ako at nagpakalayo-layo! Pero siya ang lumapit sa akin at sinabing ipagpatuloy ang ginawa namin noong una nang walang relasyon! Siya ang may gusto na maghintay ako sa kan'ya hanggang sa maging registered nurse na siya! Ayaw ko pero pumayag ako kasi mahal ko yung kapatid mo, Con!"

Nag-iwas ako ng tingin nang marinig ang panginginig ng boses niya at makita ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Pero tumigil na ako. Itinigil ko na lahat sa amin noong sinabi mong hindi ka papayag sa mga ginagawa kong 'to at hindi mo hahayaan na ligawan ko ang kung sino mang mga babae ang malapit sa 'yo. Naintindihan ko naman kasi mali 'tong ginagawa namin ni Veronica kaya nga tumigil ako kasi tama ka! Tama ka naman, eh.

"Pero ano pa bang magagawa ko kung yun ang gusto niya? Gagawin ko lahat para mapanatili siya sa tabi ko, kahit na ayaw ko 'yon! Gusto ko ng relasyon habang nangyayari sa amin 'yon pero ayaw niya! Ako pa ba ang mali? Ako pa rin ba ang dapat sisihin?"

Napabuntonghininga ako bago ibinalik ang tingin sa kan'ya. "Eh 'di sana sinabi mo pa rin sa akin, hindi yung itinago mo!"

"Kasi alam ko kung anong magiging reaksyon mo! Kilalang-kilala na kita, Con!"

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon