Chapter 51

47 4 2
                                    

 

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

 

The following weeks and months, itinuon ko ang atensyon sa pag-aaral nang mabuti. Tama naman silang lahat. Ang tanging magagawa ko lang ngayon para kay Destinee ay tuparin yung pangarap kong nabuo nang dahil sa kan’ya. Kailangan kong mag-aral nang mabuti at maging psychiatrist para kapag kinailangan niya ulit ng tulong sa ganitong pagkakataon, nandoon na ako para sa kan’ya.

Ayaw ko mang aminin pero wala naman talagang permanent cure ang dissociative identity disorder at kung ano pang mayro’n siya. Magiging okay siya . . . magkakaroon ng improvements. Pero hindi malabo na magkaroon pa rin ng episodes na babalik at babalik ang personality ni Desiree sa kan’ya. Everything about her condition will all depend on her—and on how she will handle it.

“She’s finally talking.”

Napalingon ako kay Mama habang kumakain kaming buong pamilya ng hapunan. Kumabog ang dibdib ko nang makitang seryoso siya kahit na sinabi na niya ang magandang balitang ‘yon.

“A-Ano hong sinasabi niya?”

Ngumiti siya nang mapait bago tumingin sa sariling plato. “Na kasalanan niya ang nangyari kay Desiree.” She sighed before looking at me once again. “And then she’ll start crying.”

It’s been two months since she went to that place. Sa loob ng mga panahong ‘yon, nakatanggap din ako ng treatment kay Mama na counselling. For two weeks, pinainom niya rin ako ng antidepressants dahil kailangan ko raw ‘yon. It made me feel better and because of that, I had hopes that Destinee might feel that way—that she might feel better after the treatments and medicine.

Pero wala palang nagbago.

Mama smiled. “Pero magandang sign na ‘yon. She’s starting to open up. Kahit na paulit-ulit lang ang sinasabi niya, at least nakakapagsalita na ulit siya. Small steps mattered too, Constantine. She will get better. Believe in her.”

Alam ko . . . darating din yung araw na magiging maayos siya. Darating din yung araw na aayos siya . . . babalik siya sa kung ano talaga siya. Maghihilom ang lahat ng sugat niya.

Pero sa tuwing naiisip ko na mag-isa siya doon . . . na nandito ako at walang ibang magawa para tulungan siyang mabawasan ang sakit, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili dahil . . . ako naman ang nagsimula ng lahat ng ito.

Kung hindi ko ba siya nilapitan noon, kung hindi ko pinagpilitan na siya yung Destinee na nakasama ko sa amusement park noon, okay pa kaya siya ngayon?

Kung hindi niya nakita sa k’warto ko yung faded picture naming dalawa noon sa photobooth . . . kung hindi ko na lang siya nilapitan ulit at hinayaan na hindi niya ako kilala . . . hindi na sana siya magtatanong tungkol sa picture na nakita niya sa bahay nila.

Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasasaktan siya ngayon.

Kasalanan ko kung bakit mag-isa siyang nahihirapan ngayon.

Forgotten Seal Of PromisesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant