Chapter 03

74 5 0
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yung nakita kong 'yon pero sigurado talaga akong si Destinee 'yon. Iba lang ang ayos ng buhok niya noong nakasama ko siya sa amusement park at mas bata ang itsura niya noon pero sure akong siya 'yong nakita ko noong nag-enroll ako. Nakaayos na siya at dalagang-dalaga na siya pero yung boses niya, hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.

Nang magsimula ang pasukan, hinanap ko kaagad siya sa mga department ng mga kasabay ng schedule ng Psychology. Hinanap ko siya sa department namin pero hindi ko siya nakita. Sa Literature, hinanap ko rin siya pero wala. Ang layo pa naman n'on sa building department namin na College of Arts and Sciences.

Pati sa dalawang department na malayo din sa amin, sinuyod ko 'yon pero hindi ko siya nakita. Halos araw-araw na ako kung maghanap sa kan'ya sa buong university pero wala siya.

Hindi ko tuloy alam kung siya ba talaga ang nakita ko o kamukha niya lang.

"Tigilan mo na kahahanap sa babae mong 'yon, sigurado akong hindi siya 'yon," sabi ni Earl habang nakatuon ang atensiyon sa monitor.

Napabuntonghininga ako bago pinagbabaril ang mga kalaban sa harap ko. "Sigurado nga ako, gago. Alam na alam ko yung itsura at boses niya. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon."

Nagbuntonghininga siya. "Hayaan mo na muna. Darating naman ang araw at makikita mo ulit 'yan. 'Wag mo kasing hanapin para magpahanap, okay?"

Tinawanan ko lang siya at itinuloy ko na ang paglalaro. Hanggang sa maalala ko, fourth year na nga pala siya ngayon.

"Bakit ba ang dami mong oras na makipaglaro sa akin? 'Tang ina, isang tawag lang palagi sa 'yo, nandito ka na kaagad sa bahay! Fourth year ka na, ah? Hindi ka ba busy?"

Nakita ko ang dalawang beses na paglunok niya at paggalaw ng mga mata bago sumagot. "Tanga-tanga mo kasi, bakit iniwan mo akong mag-isa sa engineering, hayop ka. Ako lang tuloy ngayon mag-isa ang nagdudusa!"

Humagalpak ako ng tawa. "Bobo, hindi ko naman intensiyong ibagsak. Anong gagawin ko kung mahirap? At una sa lahat, tatay ko lang naman ang nagsabing mag Civil Engineering ako. Sino ba nagsabing gusto ko 'yon?"

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. "'Tang ina, sobrang hirap ngayon lalo na't nahabol ko na bagsak kong subject dati kaya regular student na naman ako. Loaded sa unit amputa, halos hindi na ako natutulog."

Tumawa ako. "Tapos ang dami mong oras pumunta dito sa bahay at makipaglaro."

Hindi na siya sumagot pa at itinuloy na lang ang pakikipagbarilan sa mga kalaban.

Nang matapos naming maibalik ang mga rank namin na Diamond sa Valorant, huminto na kami sa paglalaro at bumaba para magmiryenda dahil tinawag kami ni Mama. May lasagna na nakahanda doon at juice kaya naman tuwang-tuwa na naman ang isa dahil paborito niya itong kainin dito.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now