Chapter 26

57 5 0
                                    

    Sabay kaming kumain ng lunch pagkatapos n'on

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


   
Sabay kaming kumain ng lunch pagkatapos n'on. Paulit-ulit niya akong tinitingnan sa gitna ng pagkain namin saka siya ngingiti. Napapangiti na lang din ako dahil alam kong masaya siya ngayon. Siguro dahil iniisip niya, napigilan niya ang isang bagay na mangyari—ang mawalan ng kaibigan sa akin.

She really didn't lose anything in me . . . natatakot lang ako at nangako sa papa niya na lalayo na sa kan'ya dahil sa bigat ng responsibilidad na kailangan kong gampanan ngayong nalaman ko ang tungkol sa kakambal niya. Alam kong oras na hindi ko mapigilan ang sarili at hindi mag-ingat, masisira ang lahat ng binuo nito para sa pamilya nila.

Ayaw kong maging dahilan ng gano'ng pangyayari. At mas lalong ayaw kong makita si Destinee sa sitwasyong kinatatakutang makita ulit ng papa niya.

"May gagawin ka ba sa weekend?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Why?" sabi niya bago humigop sa softdrinks.

Ngumiti ako. "Labas tayo. Tutal . . . matagal naman na nating hindi nagawa 'yon."

Marahan siyang tumango. "Sure! Saan tayo pupunta?"

Hindi ko rin alam kung saan ko siya dadalhin. Gusto ko lang talagang lumabas kasama siya. Siguro nga, na-miss ko talaga siya.

Uminom ako mula sa softdrinks bago sumagot. "Gusto mong makilala ang kaibigan ko?"

Mahina siyang tumawa. "Sino? Si Earl?"

I chuckled. "Oo. Yung naghihilik noong minsang magkausap tayo."

Tuluyan na siyang natawa nang dahil do'n. "O, sige! Sabihan mo na lang ako kung saan at anong oras, ha?"

Tumango ako bilang tugon. Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay hanggang sa inihatid ko na siya sa first subject niya ngayong hapon. Takang-taka naman si Solari nang makita kami pero hindi na lang ako sinita pa. Tinaasan lang ako ng kilay bago ako umalis para pumasok sa klase ko.

Nang dumating ang weekend, sinundo ko siya sa kanila. Alam ni Earl na makakasama namin ngayon si Destinee. Tuwang-tuwa pa ang loko dahil ito raw ang unang beses na pormal kong ipakikilala sa kan'ya ang babae ko, sabi niya. Mabuti na lang, wala siyang trabaho ngayon.

Habang nasa harap ng bahay, nakasandal sa sasakyan at naghihintay kay Destinee, nakita kong bumukas ang gate. Napatayo ako nang maayos sa pag-aakalang si Destinee na 'yon pero grabe na lang ang takot at dismaya nang makitang papa niya pala 'yon.

Ngumiti ako nang pilit. "M-Magandang hapon ho."

Hindi siya sumagot. Tumigil siya sa paglalakad sa harap ko. "Hindi ka marunong sumunod sa usapan."

Napalunok ako kasabay ng pagtingin nang deretso sa mga mata niya. "Pasensiya na, hindi ko po talaga kayang layuan ang anak n'yo." Nagbuntonghininga ako. "Pero umasa ho kayo na wala akong sasabihin."

Hindi siya sumagot kaagad. Lalo lang siyang nagmukhang galit habang masamang nakatitig sa akin.

"Ito lang ang pagkakataong hahayaan ko kayong magkasama dahil nakiusap siya sa akin. Isang beses pang maulit 'to, ako na mismo ang maglalayo sa anak ko mula sa 'yo."

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now