Chapter 41

47 5 0
                                    

     Hindi nga ako nagkamali

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 
  
Hindi nga ako nagkamali . . .

Mahigit kalahating oras ang hinintay ko bago ko nakitang dumating ang papa ni Destinee. Mabilis ang lakad niya papalapit sa clinic. Lalapit na sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ro’n si Destinee na lumabas, hindi man lang nagtatapon ng tingin sa akin.

Sa halip na lumapit sa papa niya, pumunta ako sa kan’ya pero napatigil nang nilampasan ako na para bang hindi nakita.

“Papa . . .”

Napalunok ako bago lumingon sa kanila. Nakayakap siya ngayon sa papa niya habang tahimik na umiiyak.

“Papa . . . si Desiree . . .”

Tumingin ako sa papa niya na ngayon ay nakatingin sa akin. Nag-iwas siya ng tingin bago hinawakan si Destinee saka inilayo nang bahagya sa kan’ya. Pinunasan niya ang mga luha ng anak sa pisngi.

“Kukuha lang tayo ng letter sa loob, tapos, uuwi na tayo. Hmm?”

Pagkatapos n’on, bumalik sila sa loob ng clinic nang hindi man lang ako tinitingnan. Nilampasan na ulit nila ako pero parang hangin pa rin ako. Lalong bumibigat ang loob ko.

Ilang sandali pa, lumabas na sila kasunod ang nurse na nagpapaalam.

“Mag-iingat ho kayo, Mr. Alejandro. Makakaasa ho kayong palagi kong aalagaan nang mabuti ang anak ninyo.”

Alejandro pala ang pangalan ng papa ni Destinee. Ngayon ko lang nalaman. Napalunok ako bago lumapit kay Destinee.

“D-Destinee . . .”

Tamad siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Sir Alejandro.

“Papa . . .”

Humugot siya ng malalim na paghinga bago pilit na ngumiti sa anak. “Oo, uuwi na tayo, anak.”

Nagsimula na silang maglakad palayo sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko kaagad ’yon bago sumunod sa kanila palabas ng campus. Nang maisakay na niya si Destinee sa shotgun’s seat, lumapit ako kay Sir Alejandro.

“Sir . . .”

Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ka kilala ni Destinee ngayon kaya saka mo na siya lapitan.” Humugot siya ng malalim na buntonghininga. “Hindi ko na kayo pipigilan dahil napagtanto ko na kahit anong gawin ko, may mga bagay pa rin na magti-trigger ng kung ano sa kan’ya.”

Napalunok ako. “P’wede ho ba akong sumama sa inyo na maihatid siya?”

Nagbuntonghininga siya. “Pumasok ka na lang, hijo. Wala siyang ibang gagawin sa bahay kung hindi ang magluksa. Hindi mo na gugustuhing panoorin pa.”

Umiling ako kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. “Sasama ho ako. Pakiusap po. Gusto ko siyang samahan.”

Sa huli, wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan akong sumakay sa backseat ng sasakyan niya. Pinanood ko si Destinee mula sa side mirror sa gilid niya . . . kung paano siya tulala sa kawalan at tahimik na umiiyak.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now