Chapter 34

42 5 0
                                    

   

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

   

Pagbalik ko sa backyard kung saan ginaganap ang party, nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ko noong high school.

"Uwi na kami, may tinatapos pa talaga kaming trabaho. Mahirap malasing," sabi ni Karlo saka tumawa.

"Hinahanap na rin ako ng girlfriend ko, sinabi ko kasing sandali lang ako dito. Bawi kami sa 'yo sa susunod, 'tol!" dagdag ni Xander.

Ngumiti ako bago nakipag-chest bump sa kanila. "Ingat kayo, 'tol! Hindi ko na kayo maihahatid."

Tumawa siya. "Ayos lang! Happy birthday ulit!"

Nang makaalis na sila, inestima ko ulit ang mga bisita. Ilang sandali lang din, dumating na si Earl na may dala ring alak.

"Happy birthday, pare!" Humalakhak siya bago ako niyakap. "Pasensya na, katatapos lang ng work."

Tumawa ako. "Ayos lang! Sige na, kumain ka na. Puntahan ko sandali sina Crissa, babalik ako sa 'yo."

Tumawa siya nang malakas. "Kahit doon ka na buong gabi!"

Tinawanan ko na lang siya bago tinapik ang likod. Binalikan ko na sina Crissa. Sinalinan nila ang shot glass ko saka ako pinainom.

"Inom pa! Pakalasing ka ngayon, birthday mo, eh!" malakas na sabi ni Fely.

Tumawa ako. "Hindi ako p'wedeng malasing. Baka dumating na sina Destinee mamaya."

Ngumisi si Leslie. "Darating pa ba 'yon? Kanina ka pa anxious. Hindi mo pa ba nakakausap?" Umiling ako bilang tugon.

"Darating 'yon! Baka may ginagawa lang. Basta magtiwala ka," sabi ni Crissa.

Ang dalawang lalaki naman na sina Paul at Topher ay itinuturo ang mga kaibigan ni Eunice na nasa stage. Sinasabi nila na maganda sila at gustong makipagkilala.

"Mamaya, kita mong may concert sila, eh."

Nagtawanan sila dahil do'n. Pinagtanggol pa ng mga babae ang mga 'to at sinabing maganda naman ang mga boses. Um-oo na lang kami para matapos na ang usapan. Ilang sandali pa, kinalabit ako ni Crissa.

"Sino 'yon kasama ng tropa mo?" sabi niya saka itinuro ang nasa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Earl na kasabay kumakain ngayon si Veronica. Hindi pa rin nagbabago ang mood niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ngumingiti si Veronica kahit na ibang tao na ang kaharap niya ngayon.

Sabagay, hindi naman na iba sa kan'ya si Earl. Sa dalas n'on dito, parang pamilya na rin namin siya.

"Ate ko 'yon. Si Veronica.'

Tumango-tango sila. "Ang ganda ng ate mo, ah?" sabi ni Fely.

Tumawa ako. "Nasa lahi na namin 'yon."

Inirapan nila akong lahat dahil sa sinabi ko. Ilang sandali pa, ngumuso si Crissa habang naniningkit ang mga mata kina Veronica at Earl.

Forgotten Seal Of PromisesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz