Chapter 18

39 5 0
                                    

    Simula noong gabing ‘yon, hindi ko na nakausap pa si Destinee

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

   
Simula noong gabing ‘yon, hindi ko na nakausap pa si Destinee. Palagi akong nagti-text sa kan’ya at tumatawag pero lahat ng ‘yon, hindi niya sinasagot. Sigurado naman akong nare-receive niya dahil nagri-ring naman kapag tinatawagan ko siya.

Isang linggo nang mahigit ang nakalipas, hindi na ako mapakali. Kaya naman kahit na alam kong hindi niya rin magugustuhan, nag-drive ako papunta sa bahay nila. Makalipas ang halos isang oras, matapos kong ma-stuck ng kaunting minuto sa traffic, nakarating na ako sa harap ng bahay nila.

Gusto kong pindutin ang doorbell pero natatakot ako na baka iba ang magbukas sa akin. Hindi ako sigurado kung maayos ba akong pakikitunguhan ng parents niya, kahit na nakita ko naman na noong nakaraan ang papa niya.

Sinubukan kong tawagan nang paulit-ulit si Destinee dahil gusto kong makausap siya. Nakailang tawag na ako pero hindi niya pa rin sinagot, hanggang sa may paparating na sasakyang pamilyar. Napalunok ako bago ibinaba ang cellphone. Huminto ang sasakyan malapit sa akin saka lumabas sa may driver’s seat ang pamilyar na lalaking may kaedaran na.

“What brings you here, young man?” he asked as soon as he closed the door.

Napalunok ako bago bahagyang yumuko. “M-Magandang hapon ho. Gusto ko lang hong makausap si Destinee.” Bahagya akong nag-angat ng tingin. “H-Hindi ho kasi sumasagot sa tawag ko.”

Kumunot-noo siya. “Why? What did you do?”

Nag-iwas ako ng tingin. “W-Wala ho akong dapat sabihin.”

Humakbang siya ng isa papalapit sa akin, dahilan para kumabog ang dibdib ko. “Sinaktan mo ang anak ko?”

Nag-angat ako ng tingin. “Hindi ho. May hindi lang ho kami pagkakaintindihan.” Napalunok ako. “Akala niya . . . iniisip ko pa rin na siya yung sinasabi kong kamukha niya . . . pero—”

“Layuan mo ang anak ko.”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “H-Ho? Bakit? Hindi naman po ‘yon ang intensyon ko—”

“Tigilan mo siya. Lumayo ka. Layuan mo si Destinee. At tigilan mo siya sa pagpapaalala mo tungkol sa kamukha niya,” matigas na sabi niya habang nakatitig nang masama sa akin; nakakuyom din ang kamao.

“Wala ho akong ginagawang masama.” Lumunok ako, pilit na nilalabanan ang masasamang titig niya. “Alam naman na ho niya ang lahat tungkol sa sinasabi kong kamukha niya, sir. Hindi naman niya ho minasama—ngayon lang dahil may hindi kami napagkaintindihan.”

Umiwas siya ng tingin kasabay ng pagbuntonghininga. “Kaya nga sinasabi ko sa ‘yo ngayon, tigilan mo na siya.” Muli siyang tumitig nang malalim sa akin. “Tigilan mo na si Destinee. Lumayo ka sa kan’ya. Ginawa ko ang lahat para umayos ulit siya—silang mag-ina—at hindi ko hahayaang ikaw lang ang sisira n’on.”

Napakunot-noo ako, hindi maintindihan kung anong gusto niyang iparating.

“Ano ho bang sinasabi n’yo? May hindi ho ako naiintindihan.” Napalunok ako nang nag-iwas ulit siya ng tingin sa akin. “May tinatago ho ba kayo?”

Forgotten Seal Of PromisesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora