Chapter 56

46 4 1
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

I never really heard from them at all.

Isang taon na ang nagdaan pero wala akong nakuhang kahit na anong balita tungkol kay Destinee o sa pamilya niya. It felt like they just completely vanished and I'm unable to find them anywhere.

Isang clue lang ang alam ko: nasa Switzerland sila.

Pero sa estado ng buhay ko ngayon na estudyante pa lang, anong magagawa ko? Wala. Maghintay.

Palagi rin akong dumadaan sa bahay nila. Noon, palagi kong nakikita ang signage na for sale pero noong nakaraang buwan, nawala 'yon. Unti-unti ko na lang nakikita na lumilinis na ulit at umaaliwalas ang paligid ng lugar na 'yon at may mangilan-ngilang tao na.

Nabili na rin pala. Iba na ang may-ari ng bahay nila. Ngayon, hindi ko na alam kung saan pupunta para makita ulit siya kung sakali.

Para akong pinagkaitan ng lugar kung saan ako nararapat.

Sa kabila ng lahat, ang mga bagay na ginagawa ko, kadalasan ay tungkol sa kan'ya. Tulad na lang ng thesis namin.

"'Tang ina, umay na ako," sabi ni Lesley habang tinitingnan ang bawat page ng thesis namin na puno ng red ink. "Pagod na pagod na akong mag-revise!!!"

Tumawa si Crissa. "Ano ka ba? Malapit na ang judgement day. Kakayanin natin 'to, okay?"

Ngumuso si Paul. "Kapag natapos naman ang defense, marami pa rin ire-revise d'yan. Nakakaumay naman talaga."

Sabay-sabay kaming nagbuntonghininga nang mapagtanto na hindi natatapos sa final defense ang lahat ng ito. Humigop na muna ako sa kape bago itinuloy ang pag-revise ng thesis namin.

Ginawa naming inspirasyon ang nangyari kay Destinee para gawin ang thesis na ito—hindi yung mental illness niya kung hindi ang pinagmulan ng lahat: ang bad parenting ni Mrs. Winona Esquivel sa kanilang dalawa ni Desiree.

Nahirapan kaming gumawa ng questionnaire sa totoo lang dahil paminsan-minsan, nagmumukhang nosy ang mga nandoon. Naging mabuti rin naman sa akin ang mga magulang ko kahit pressured ako sa tatay ko noong hindi pa ako seryoso sa pag-aaral. Karamihan sa mga tanong na nandito, nanggaling mismo sa mga kagrupo ko. Nagdagdag lang ako ng mga kaunting idea na nagmula sa mga nalaman ko sa buhay ni Destinee.

"Come to think of it, maraming tao ang nakakaranas ng naranasan ni Destinee at Desiree sa mama nila. Hindi man sila kambal, mayro'n at mayro'n na ginagawang role model yung isang anak habang ang isa ay nagmumukhang black sheep dahil hindi naman nila gustong sumunod na lang palagi sa s-in-et nilang standard," biglang sabi ni Fely sa kalagitnaan ng pagtitipa sa laptop.

Nagkibit-balikat ako. "Kaya nga naisip kong 'yon ang gawin nating thesis title kasi alam ko, maraming tao ang nakakaranas ng bad parenting. It might be an eye opener for everyone—na hindi lahat ng magulang, tama. Hindi lahat ng ginagawa ng mga magulang natin, nakakabuti sa atin. At hindi lahat ng method of parenting nila, tama."

Tumango-tango si Crissa. "Sana lang mairaos natin nang maayos 'to nang mabawasan na ang iisipin natin next year na fourth year na tayo."

Nagtuloy-tuloy ang pag-revise namin habang nagkukwentuhan.

***

Weeks later, nairaos namin ang thesis defense. Hindi man sobrang successful katulad ng gusto namin, ang mahalaga, nabawasan na ang mga problema namin. May mga kailangan lang kaming baguhin, alisin at idagdag bago namin ipa-check ulit para mapa-approve for binding.

Tapos na rin ang final exam sa bawat subject kaya maaga kaming pinauwi. May usapan din ang mga kaibigan ko na lalabas kami bukas bilang celebration kaya sa ngayon, magpapahinga na muna kami.

Bago dumeretso sa bahay, dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng isang bouquet ng pink tulips. Dahil sa sobrang busy sa university, hindi ko na siya masyadong nadadalaw. Nangako pa naman ako sa sarili noon na dadalasan ko, tutal, ako na lang ang nandito para gawin 'yon. Pero mukhang pati 'yong pangakong 'yon, hindi ko pa magawa nang maayos.

Matapos kong makuha ang bouquet na pinagawa, bumalik na ako sa sasakyan at nag-drive papunta sa columbarium. Mahigit isang buwan na ang nakakaraan noong huling beses akong dumalaw kay Desiree. Nagi-guilty tuloy ako.

Nang makarating ako kung nasaan siya, ngumiti ako nang bahagya Inilagay ko sa lagayan ng bulaklak ang pink tulips bago hinagkan ang nakaukit na pangalan niya.

"Hi. Kumusta ka na?"

Napalunok ako nang mapagtanto na yung mga salitang binanggit ko . . . sigurado akong ang tagal niyang hinintay marinig 'yon noon. Kung may mga tao kaya sa paligid niyang naniniwalang hindi siya okay . . . kung may mga tao sa piling niyang regular na kinukumusta siya, maayos pa kaya siya ngayon—sila ni Destinee?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga. "Pasensiya na kung ngayon lang ako nakabalik. Masyado akong naging busy sa university. Lalo na yung thesis." Tumawa ako. "Ang dami ko tuloy utang na kwento sa 'yo."

In-imagine ko ang tawa at ngiti ni Destinee habang nagsasalita. Tutal, magkamukha naman sila, siguro gano'n din si Desiree kapag nakikinig sa taong nagkukwento sa kan'ya.

"Ginisa kami ng panellist noong final defense. Ang galing kasi ang dami nilang naibutas sa amin kahit na ilang beses na namin ni-revise 'yon. Nagmukha tuloy kaming tanga na nakatayo lang dahil hindi namin masagot yung mga tanong na ibinabato sa amin."

I laughed. Hindi ko pa rin makalimutan na halos mapahinga kami lalo na't mga professional psychiatrist ang iba ro'n. Pero ayos lang, at least nakaraos na.

"Maganda raw ang topic namin kung tutuusin dahil sinusubukan daw namin buksan ang mga mata ng mga tao tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin bilang isang magulang. Siguro, masyado lang naging personal ang nilalaman kaya parang sumobra sa haka-haka yung gawa namin. Pero alam naming lahat na hindi haka-haka 'yon. Kasi . . . sa inyo ni Destinee nagmula ang thesis topic namin. At proud ako dahil kahit na ano pang naging resulta niya, alam kong nagawa ko nang maayos ang gusto kong iparating."

Nagkwento pa ako nang nagkwento tungkol sa mga nangyari sa buhay ko na para bang kilala niya ako kahit na ang totoo, hindi naman talaga. Kahit na sinasabi ni Mama na nakikita ako palagi ni Desiree noon, alam kong hindi naman talaga niya ako kilala kaya hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko 'to ngayon.

Siguro . . . para na rin gawin yung mga bagay na hindi nagagawa nila Destinee ngayong nasa malayo sila.

Siguro . . . para ipaalala sa sarili kong may Desiree noon na sobrang nagmamahal sa kapatid niya . . . sa kapatid niyang minamahal ko nang sobra ngayon.

Nagbuntonghininga ako bago muling hinagkan ang mga letrang nakaukit sa lapida niya. Kasabay nito ay ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Miss na miss ko na si Destinee." Tumawa ako. "Miss na miss ko na ang kapatid mo." Lumunok ako para mawala ang kung anong nakabara sa lalamunan ko. "Kumusta na kaya siya? Mas maayos na kaya siya ngayon?"

Mahigit isang taon na simula nang huling beses na magkita kaming dalawa. Mahigit isang taon na rin simula nang umalis siya. Sana, kahit papaano, nagiging maayos na siya.

Sana may improvements na sa kondisyon niya, tutal, 'yon naman ang dahilan ng pag-alis nila. Sa ngayon, wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ang maging maayos siya.

Makalipas ang isang oras, umalis na ako ng columbarium matapos magpaalam at makiusap kay Desiree na pakinggan ang lahat ng sinasabi ko sa tuwing dinadalaw siya.

Sa ganitong paraan ko lang nagagawang maayos ang sarili ko.

Sa ganitong paraan ko lang nasasabing okay pa ako.

Kaya kahit na magmukha pa akong tanga sa paningin ng ibang tao na kinakausap ang bato sa harap ko . . . wala akong pakialam. Gagawin ko pa rin kung anong magpapabuti sa akin, magmukha man akong katatawanan.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now