Chapter 05

72 5 0
                                    

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 

“May . . . napansin ako sa ’yo.”

Nag-angat sa akin ng tingin si Destinee habang papalayo kami ng carousel. Sabi niya kasi, gusto niya raw sumakay doon kaya sumakay kami. Ito yata ang ikaapat na rides na nasakyan namin . . . at mukhang huli na rin dahil malapit nang umalis ang school bus namin.

“Ano?” tanong niya.

Ngumiti ako bago huminto sa harap niya. Itinuro ko ang labi niya ngayong nagdurugo na. “Palagi mong binabalatan ang labi mo sa tuwing natutuyo. Hindi tama ‘yan.”

Napaawang ang bibig niya bago naiilang na tumawa. “Nakasanayan ko na kasi. Lalo na kapag walang ginagawa ang kamay ko.”

Ngumiti ako bago yumuko saka hinawakan ang kamay niya. Inilapit ko ang mukha para halikan siya. Naramdaman ko ang gulat sa kan’ya pero ilang sandali lang din, kumapit siya sa damit ko bago humalik sa akin pabalik. Ilang sandali lang, bumitiw na siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

“K-Kapag nakabalik na tayo ng Tarlac, hindi na p’wede yung ganito, ah?”

Tumawa ako. “Sorry na. Ikaw kasi, ang ganda-ganda ng labi mo. Palagi ako naaakit na halikan ka.”

Tumingin ulit siya sa akin gamit ang inosente niyang mga mata. “May ibang labi ka na bang . . . nahalikan?”

Mabilis akong umiling. “Ikaw pa lang.”

Nakita ko kung paano niya pinigilan ang pag-angat ng labi niya kasabay ng pag-iwas ng tingin niya sa akin.

“I-Ikaw din yung . . . first kiss ko.”

Bahagyang namula ang mukha niya matapos sabihin ‘yon. Ako naman ay napalunok dahil sa hindi ko maipaliwanag na naramdaman matapos niyang sabihin ‘yon at matapos makita ang mukha niya ngayon.

“B-Basta . . . kapag nagkita tayo sa Tarlac, h-hindi na natin p’wedeng gawin yung mga ginagawa natin dito.” She gulped. “Magiging magkaibigan tayo . . . at hindi ginagawa ng magkaibigan ‘to.”

Ngumiti ako bago tumango. “Pero bakit natin ginagawa ngayon?”

Bumagal ang pagkurap niya kasabay ng pag-iwas ng tingin ulit sa akin. “Isipin mo na lang na . . . nasa sariling mundo natin tayo ngayon . . . kaya malaya tayong gawin kung anong gusto ng puso natin.” Ngumiti siya ng maliit sa akin.

Tumango ako bago nagbuga ng malalim na buntonghininga. “Kung gano’n, gagawin ko ‘to ngayon.” Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. “Para may ginagawa ang kamay mo—para hindi nito binabalatan ang magandang labi mo.”

Tumawa siya nang mahina. “Pero pagbalik natin ng Tarlac, wala na naman gagawin ang kamay ko.”

Ngumiti ako. “Magkikita tayo, ‘di ba? At sa tuwing magkasama tayo, hindi ko bibitiwan ang kamay mo.”

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now