Chapter 17

44 5 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Pakiramdam ko, lasing siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sinabi niyang gusto niyang pumunta sa amusement park. Ang layo ng mga amusement park dito at mahigit alas-singko na ng hapon. Mabuti na lang talaga, may alam akong gano'n malapit dito sa Tarlac kahit na hindi kasing-ganda ng Star City o Enchanted Kingdom.

Nang makarating kami sa Dream Park, madilim na ang kalangitan. Nakita ko rin na nakatulog siya habang nasa byahe pero mabilis ding nagising nang tumigil ako sa pagmamaneho.

"Nandito na tayo," sabi ko nang makitang gising na gising na siya.

Tumango siya bago tinanggal ang seatbelt. Sabay na kaming lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa ticketing area para bumili ng ticket. Pagkatapos, dumeretso kami sa entrance at ginawa namang bracelet sa amin ang ride-all-you-can na binayaran namin.

"Picture tayo?" nakangiting sabi niya habang hawak ang cellphone.

Tumawa ako bago kinuha ang cellphone sa kan'ya. "Picture-an kita."

Tumawa siya bago ngumiti. Kinuhanan ko siya nang kinuhanan ng picture habang nag-iiba siya ng pose sa tuwing naririnig niya ang shutter sounds ng camera. Pagkatapos n'on, kinuha niya sa akin ang cellphone saka iniharap ang camera sa kan'ya.

"Tayong dalawa rin."

Tumango na lang ako bago ngumiti sa harap ng front cam. Nakailang shot siya kaya ilang beses ko rin sinubukang magpalit ng pose para naman hindi iisa lang ang itsura ko sa mga kuha niya. Pagkatapos, nag-aya na siyang sumakay ng rides kaya sumunod naman ako sa kan'ya.

Dahil hindi naman masyadong malaki ang amusement park, kaunti lang ang rides at hindi maraming tao ang nandoon. Nasakyan na namin ang halos lahat at parang ayaw niya pa rin tumigil.

"Nakakabitin naman, gusto ko pa," natatawang sabi niya pagkagaling namin sa roller coaster. "Isa na lang hindi nating nasasakyan. Ferris Wheel na tayo?"

Tumawa ako bago tumango. Hinila na niya ako bago kami sabay tumakbo papunta doon. Naghintay kami na matapos ang mga nakasakay bago pinasakay ng lalaki ang mga nakapila, kasama na kami. Dahil dalawa lang, sinabihan kaming huwag magtabi sa upuan, sa halip, maupo raw kami sa magkabilang pwesto. Sinunod naman namin 'yon.

Ilang sandali pa, habang pinupuno ang ferris wheel, natigil kami sa pinakaitaas. Tumingin siya sa ibaba para makita ang kabuuan ng lugar. Paulit-ulit niyang pinuri ang ganda nito mula sa itaas at kung gaano kaliwanag ang kabuuan.

"Uy, may photobooth! Uso pa pala 'yon? Hindi natin nakita kanina, ah?"

Napatingin din ako sa itinuturo niya sa ibaba. Napalunok ako nang makita na may photobooth nga, katulad ng nasa Laguna. Magsasalita pa lang sana ako nang magsimula nang umandar ang ferris wheel.

Ngumiti siya sa akin. "Mag-picture din tayo sa photobooth, magandang remembrance 'yon."

Buong oras na nasa ferris wheel kami, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa ibaba at purihin ang ganda ng lugar. Habang ako . . . nanatili lang sa panonood sa kan'ya at ang pag-iisip sa photobooth na nakita niya.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now