Chapter 29

59 5 0
                                    

    Friday of the same week came, it was the university's wash day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   
Friday of the same week came, it was the university's wash day. Ito rin yung araw na kaunti lang ang subject ng lahat kaya madalas, kung napakaluwag ng teacher sa schedule, hindi na halos magkaklase.

Sa course ko, walang gano'n. Lahat, sinusunod ang oras ng klase pero kapag majority ay humiling ng Friday Break, ibinibigay naman once a month.

At ngayong buwan ng September, unang linggo pa lang, nagamit na kaagad namin sa kaisa-isang subject namin para sa hapon. Uuwi na sana ako pero nakita ko si Destinee sa ilalim ng malaking puno na naghihintay, dala ang laptop bag niya. Napangiti ako bago lumapit sa kan'ya. Ngumiti kaagad siya nang makita ako.

Hindi na ibinalik ni Destinee yung ayos ng buhok niya na nakatirintas sa kanan. Ibinalik na niya sa dati na nakabagsak ang buhok at may clip sa magkabilang gilid. Gusto ko minsan makahinga nang maluwag pero madalas, curious ako sa mga action niya.

"Wala ka nang klase?" tanong ko.

Umiling siya. "Friday Break." She chuckled. "Ikaw?"

Nagkibit-balikat ako bago kinuha ang nakasukbit niyang laptop bag. "Wala na." I smiled. "Uuwi ka na?"

Umiling siya. "Hindi ko sinabi kay Papa na wala na klase kaya hindi niya ako masusundo. Besides, may work siya." Ikinapit niya ang braso sa akin. "But I need to do something sa library. Samahan mo ako?"

Tumawa ako bago ginulo ang buhok niya. "Oo ba. Pero mag-lunch muna tayo sa cafeteria."

Nang magsimula kaming maglakad papunta sa cafeteria, bumitiw na siya sa pagkakakapit sa braso ko. Gusto kong sabihin na ibalik niya, o hawakan na lang ang kamay niya habang naglalakad, pero naalala ko yung sinabi niya . . . hindi ko na p'wedeng hawakan ang kamay niya kasi friends lang daw kami. Hindi na rin niya ako hinalikan sa pisngi ulit simula n'on.

Napabuntonghininga ako.

Nang matapos naming kumain, dumeretso na kami sa library. Nang makarating kami do'n, sakto dahil wala masyadong tao. May ilan man, halos lahat nakatutok sa monitor para mag-cram sa kung ano mang ginagawa nila. Pumwesto siya malapit sa aircon. Naupo ako sa upuan sa harap niya saka ibinaba sa table sa pagitan namin ang laptop.

"Ano palang gagawin mo?" tanong ko nang maupo na kami.

Kinuha niya ang Acer niyang laptop sa loob ng laptop bag saka binuksan. "Magsusulat ng story." Ngumiti siya. "Iba na 'to this time. At kailangan ko ng tulong mo."

Napakunot-noo ako. "Tulong?" Tumawa ako. "Anong maitutulong ko?"

Nagbuntonghininga siya bago nangalumbaba. "Kailangan ko ng back story kung bakit nangyari ang mga nangyayari sa story ko. Sure akong matutulungan mo ako dahil psych major ka."

Napatango-tango ako. Gets ko na. "So, kailangan mo yung mga natutuhan ko sa course namin?" Tumango siya. "Let's see, baka hindi ko pa napag-aaralan yung kailangan mo, eh."

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now