Hindi ako nakasagot. Siya na ulit ang nagsalita.

"Then I won't be maunawain na. Aawayin na kita. Gusto mo ng away, aawayin kita. But please, dont leave me babe."

Binitawan ko ang kamay ni Gabriel. Kumuha ako ng unan at niyakap.

Tumingin lang si Gabriel. Hinayaan ako.

Tahimik habang naghihintay siya. Hindi ko na kailangan ang tanong niya.

"Hinalikan ako ni Jessie. Sa Pangasinan..."

Narinig ko ang pagbabago sa paghinga ni Gabriel. Mas lumalim. Mas bumilis. Mas lumakas.

"Fuck that Jessie!"

"Oo, tinakot niya ako. Pero hindi talaga ako natakot kaya hindi kita sinasagot. Gusto kong malaman kung saan kami papunta ni Jessie. Dinala niya ako sa isang falls doon. Tapos. Hinalikan niya ako."

Tuluyan nang tumayo si Gabriel. Iniwan ako sa sofa. Nagmadali siya sa pagpunta sa bag, kinuha ang telepono niya.

"Give me Jessie's number," naguutos na si Gabriel.

"Gab, huwag na. Kasalanan ko ito. Issue ko to."

"Your issues are mine. Sinasaktan ka man niya o hinahalikan, anuman ang gawin niya sayo, issue ko. Boyfriend kita. Now give me his number."

"Hindi ko rin alam ang number niya."

"Give me your phone."

"Hindi ko nga alam. Kahit na halughugin mo dyan."

"He has been calling you, di'ba? So his number would still be in your call logs."

"Bahala ka," sabi ko sabay abot ng telepono.

Hinawakan niya ang telepono. Kinuyom sa palad. Tapos ay ibinalik na lang niya sa akin. Tumalikod siya. Naglakad patungo sa kwarto. Ibinalibag ang pinto. Ito ang unang beses na kinabahan ako sa aming relasyon.

Nakakulong si Gabriel sa kwarto nang matagal. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Ito na ito. Nasabi ko na. Tuluy-tuloy na. Gusto ko lang naman mawala itong nasa loob ko, itong sikreto ko. Kung magkakahiwalay kami dahil dito, kasalanan ko naman, pagtitiisan ko na lang. Pero kung magtitiis ako. Ngayon na, simulan ko na.

Tumayo ako. Binuksan ang pinto ng kwarto. Wala si Gabriel.

Pumunta ako sa banyo. Nandoon siya. Basag ang salamin. Nakaupo si Gabriel sa bowl. May dugo sa kamao.

Nanatili akong nakatayo sa pinto ng banyo
Hindi tumitingin si Gabriel. Pero narinig ko siya. May hikbi. Tapos nagsalita.

"You pushed him, right. You pushed him away. He forced you, pero lumaban ka, di'ba?"

"Oo, pinilit niya ako. Lumaban ako. Naisip kita, eh."

Humarap si Gabriel sa akin.

"Pero sa pagpipilit nya," tinuloy ko. "Nakuha niya ang gusto nya."

"Pero gusto lang naman niya yun, diba?"

Hindi ako nagsalita.

"Fine. You liked it, too. Pero you came back to your senses, right. It was a quick kiss. A lapse in judgment..."

"Tama na Gabriel."

"Why tama na?"

"Huwag mo muna akong maintindihan, please. Huwag mo na akong ipagtanggol sa sarili mo dahil lalo akong nagi-guilty. Napakaperpekto mo."

"I'm not," sabi ni Gabriel.

"You are. I'm the one who's not."

Tumayo siya. Niyakap ako.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now