Chapter 29

23 3 0
                                    

Chapter 29

"Happy birthday!"

Nagpasalamat ako sa mga pinsan kong isa-isang bumati sa akin. May kanya-kanya silang hawak na regalo at halos hindi na magkasya sa dalawang kamay ko ang mga inaabot nila.

Nilapitan ako ni Atlas at tinulungan sa paghawak ng mga regalo nila.

"Dalaga kana talaga," hinaplos ni Tita Claudine ang pisngi ko. Ngumiti ako.

"Adult na ako sa next birthday ko, Tita." tumawa ako at gano'n rin si Tita.

Nandito kami ngayon sa dining area ng rest house. Sa mahabang lamesa ay nakalatag ang mga iba't-ibang putahe ngunit karamihan ay seafoods. Mayroon ding steak, ham, at desserts. Nasa pinakagitna ang lechon.

Matapos nila akong kantahan ng 'Happy birthday' ay agad silang nagbigay ng regalo. Halos hindi na magkasya sa isang lamesa sa sobrang dami ng binibigay nila. Pina-blow din nila sa akin kandila sa cake at ako naman ay tahimik na nagsabi ng birthday wish.

Good health for me and my loved ones. I also wished that I could always maintain my perseverance in the face of God's challenges.

"My gifts are in your room," wika ni Papa matapos akong halikan sa noo.

Alam ko kung bakit sa kwarto niya ipinalagay. Sa kanilang lahat ay si Papa ang may pinakamaraming regalo. 19 gifts para sa 19th birthday ko. Sinabi niyang babawi siya sa lahat ng birthday ko na hindi siya kasama.

Sinabi ko sa kanya na kahit isang regalo lang ay ayos na pero hindi siya nakinig at hindi nagpapigil. Ngayon pa lang ay namomroblema na ako kung paano ko magagamit ang mga regalo nilang lahat.

"Thank you, Pa." sagot ko.

Bago kumain ay nagbigay muna sila ng kanilang mensahe para sa akin. Nakinig ako ng mabuti ay nagpasalamat.

"Let's eat!"

Punong-puno ang puso ko ng saya habang nakatingin sa mga mahal ko sa buhay na masaya at nagkakatuwaan. Sobra-sobrang birthday gift na ito para sa akin.

Halos mapaatras na lang ako nang maramdaman ko ang hininga ni Atlas sa kanang tenga ko.

Tumawa siya bago bumulong.

"I will give you my birthday gift later,"

Nerbyoso akong tumango sa sinabi niya. Minsan talaga ay nakakagulat ang mga kinikilos niya, kagaya ngayon na bigla-bigla nalang bubulong sa akin.

Gano'n pa man ay hindi ko maiwasang ma-excite sa regalo niya sa akin. Iniisip ko kung ano ang ireregalo niya at mamaya niya pa ibibigay.

Busog na busog ako matapos kumain. Si Papa at mga Tito ko ay nagpunta sa isang cottage at doon nag-inuman. Sinabihan ko si Papa na hinay-hinay lang at um-oo naman siya sa akin.

Inaaya niya pa kanina si Atlas pero hindi ako pumayag. Siguro ay mamaya na. Gusto ko muna siyang masolo ngayon.

Ang mga Tita ko naman ay nasa loob ng rest house at doon nagkuwentuhan. Ang mga bata kong pinsan ay lumusob na agad sa dagat.

Naisipan ko na ring maligo kaya nagpalit ako ng high waisted black shorts at white tank top. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Kitang-kita ang maputi at makinis kong kutis sa suot ko.

Halos mapasigaw pa ako nang madatnan ko si Atlas sa labas ng kwarto at hinihintay ako.

Nakasuot siya ng white polo na nakabukas ang tatlong butones at dark-toned shorts. Magulo ang kanyang buhok at mapungay ang mga mata.

Pinasadahan niya rin ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko ang kanyang paglunok.

"L-Let's go?" hindi ko alam kung bakit ako nautal.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now