Epilogue

47 4 0
                                    

Epilogue

"Pakihintay na lang po ako dito,"

Tumango sa akin ang mga bodyguards na kasama ko. Tumingala ako sa building na nasa harap ko ngayon. Ganoon pa rin ang itsura noon at halos walang pinagbago.

Ang bilis talaga ng panahon. Mag-a-anim na buwan na simula nang umalis ako dito. Napakaraming nabago at nangyari sa buhay ko. May mga magandang pagbabago, at ang iba naman ay malungkot.

Pinukol ng mga mata ako ang apartment sa 2nd floor partikular kung saan ako nangungupahan noon. Nakakamiss rin pala.

Ang sunod ko namang pinagtuunan ng pansin ay ang katabing apartment. Nakasarado ang pinto at hindi ko alam kung may tao ba roon o wala.

Nilukob ako ng kalungkutan nang maalala ang lahat ng mga nangyari sa building na ito. Ang unang pagkikita namin ni Atlas, kung paano niya ako pilit na binayaran dahil lang sa simpleng pagdadala ko sa kanya sa apartment niya noong nalasing siya.

Ang pagbabantay niya kay Thor tuwing aalis ako para sa trabaho, at ang pagsasabay namin sa pagpasok at pag-uwi.

Bago ako tuluyang humakbang ay tahimik akong napabulong.

Sana nandito ka, Atlas.

Umakyat ako sa hagdan patungo sa 2nd floor. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Aling Ida na inaayos ang mga paso sa gilid ng hagdan.

"Magandang araw ho," bati ko. Umangat ang tingin niya sa akin at bahagyang nanlaki ang mga mata.

"Naku! Ikaw ba 'yan Carline?" lumapit siya sa akin at malaki ang kanyang ngiti.

"Caroline po," wika ko.

"Ay naku! Oo nga, ang hina ko talaga sa mga neyms. Bakit ka nga pala narito? Mangungupahan ka ba ulit?" sunod-sunod na tanong niya. Nakakatuwa lang dahil kahit ilang buwan na ang nakalipas ay kahit papaano ay natatandaan niya ako. Hindi nga lang sa pangalan.

Mabilis akong umiling. "Hindi po, m-may hinahanap lang po ako," tugon ko.

"Ahh ganun ba, 'e sino ba ang hinahanap mo?"

Matagal bago ako nakasagot. Muli kong tinignan ang apartment kung saan nakatira noon si Atlas.

"S-Si Atlas po," sagot ko. Natigilan ang matanda sa sagot ko at bahagyang nag-isip. "Nariyan po ba siya sa apartment niya?" nagbabakasakaling tanong ko.

Kung wala pa rin siya rito ay hindi ko na talaga alam kung saan pa siya hahanapin. Araw-araw ay palagi akong nilulukob ng takot na baka kung anu-ano na ang ginagawa ni Atlas sa sarili niya. Baka bumalik na naman siya sa dati, puro away at kalokohan.

Nag-iwas ng tingin ang matanda. Doon pa lang ay alam ko nang narito nga si Atlas. Hinawakan ko ang kamay ni Aling Ida at nagmamakaawa siyang tinignan.

"Please, kailangan ko po siyang makausap." smabit ko.

"Hija, kasi, mahigpit na binilin niya na kapag may naghanap raw sa kanya ay sabihin daw na wala siya rito," napipilitang sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin ay narito nga siya.

"Pupuntahan ko po siya," wika ko. Napakamot sa ulo ang matandang babae at tumango.

"Huwag mo na lang sasabihin na sinabi ko sa'yu. Baka magalit iyown." paalala niya.

Tumango ako at nagpasalamat.

Tuluyan na akong nanakbo paakyat sa hagdan ngunit napahinto rin nang tawagin muli ako ni Aling Ida.

"Nobyo mo na ba siya?" nakangiting tanong niya.

Malungkot akong ngumiti sa kanya. Boyfriend ko na sana siya ngayon kung hindi lang siya nakipag-break noong araw na sinagot ko din siya.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now