Chapter 27

22 3 0
                                    

Chapter 27

"Kamusta na, Caroline Therese Aranza?"

"Nakakainis ka!"

Mahina kong hinampas sa kanyang braso ang kakarating lamang na si Vincent. Malaki ang kanyang ngisi. Hindi niya ininda ang paghampas ko at lumapit lang sa akin.

Hinila niya ako at niyakap. Niyakap ko siya pabalik dahil sobra ko siyang namiss. Ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad at gumwapo. Mas lumaki rin yata ang pangangatawan niya.

"Or should I call you Caroline Therese A. Tuazon?" ngisi niya.

Bumitaw kami sa yakap at inaya ko siyang maupo sa upuan. Nandito kami sa isang restaurant na malapit lang din sa mansyon.

Nang matanggap ko ang text niya ay agad ko siyang inaya na makipagkita sa akin. Naging madali lang naman dahil nandito na rin siya sa Manila.

Pinayagan naman ako ni Papa nang sabihin kong makikipagkita ako sa isang kaibigan. As usual ay pinasamahan niya ako sa kanyang mga bodyguards.

"Ikaw ang kamusta na?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Ayos lang, maraming nangyari pero nalampasan naman." sagot niya. Alam kong may double meaning ang ibig niyang sabihin.

"Pwede mong sabihin sa akin." seryosong wika ko. Tumawa siya at tinapik ako sa braso.

"Ang seryoso mo," aniya.

"Ang tagal mo din po kasing hindi nagparamdam." sarkastikong sagot ko.

Sobra akong nag-alala sa kanya simula nang hindi na siya sumasagot sa mga text ko. Nagtampo ako pero naisip ko na baka may sapat naman siyang dahilan para hindi magparamdam.

"Oo nga e, pagbalik ko iba na ang apelyido mo." ngising sabi niya.

"Apelyido lang nagbago sa akin pero ako pa rin 'to."

"Alam ko naman, I'm also glad that you found your father now."

"Actually hindi ko siya hinanap, alam mo naman 'yon diba? Siya ang naghanap sa akin at nagpaliwanag ng kanyang rason." sagot ko.

Alam ni Vincent dahil anak rin siya ng mga may malalaking business sa bansa. Nagulat siya na anak ako ni Oliver V. Tuazon. Pakiramdam daw niya ay dapat akong luhuran.

"Muntik na akong bumalik sa dati mong apartment, I want to say sorry for being MIA for five months." seryosong wika niya.

"Hindi ako magagalit kung sasabihin mo sa akin ang dahilan."

Simula nang makilala ko ang aking ama ay natutunan kong pigilan ang galit ko sa ibang bagay lalo na kung hindi ko pa alam ang rason. Ayaw ko na ulit magpadalos-dalos.

"Can you promise me you'll not get mad?" kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Mas lalo akong na-curious kung ano ang dahilan niya.

"Depende sa rason mo," I answered as a matter of fact. Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Bumuntong hininga siya.

"I know you'll get mad. Kaya nga ako nandito para sabihin sa'yo ang lahat, magalit ka man o hindi."

I've known Vincent for a long time. Maaaring minsan ay maloko siya pero alam niya kung kailan dapat seryosohin ang isang bagay. Kaya nga kinakabahan ako ngayon sa maaari niyang isagot dahil alam kong hindi basta-basta ang sasabihin niya.

"Sabihin mo na, 'wag ka nang pa-intense," bahagya akong tumawa para pagaanin ang sitwasyon.

Uminom ako ng in-order kong juice dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now