Chapter 21

32 3 0
                                    

Chapter 21

Kinukusot ko ang aking mga mata habang naglalakad patungo sa pinto. Nagising ako dahil sa pagkatok. Inayos ko muna ang magulo kong buhok at nagtanggal ng muta bago buksan. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang busangot na mukha ni Atlas.

Sinalubong agad ng ilong ko ang mabango niyang amoy. Basa ang buhok, nakasuot ng navy blue v-neck shirt at pants, at may hawak na paper bag.

Ang gwapo.

"Bakit ang aga mo?" dinaan ko nalang sa pagbusangot ng mukha ang pagkamangha ko sa kanya.

"I'm early? Caroline, what time is it?" inis na tanong niya. Ang gwapo niya tapos ang sungit. Ang agang magsungit.

"Hindi ko alam, nagising ako dahil sa mga katok mo. Gusto ko pang matulog." sagot ko. Mas lalo siyang nainis sa sagot ko.

"It's already 10:30 am in the morning. Wala ka bang balak kumain ng breakfast?! You're just gonna sleep all day?"

"E, inaantok pa nga ako. Saka hindi pa ako nakakapaglu—----"

Naputol ang sasabihin ko dahil dire-diretso siyang pumasok sa loob ng apartment ko. Napausog pa ako sa gilid para makadaan siya. Mas lalo kong naamoy ang bango niya.

"No need to cook. Nakabili na ako," aniya at nilapag ang hawak na paper bag sa lamesa.

"Bumili ka na naman? Ang aksayado mo. Bakit hindi ka na lang magluto?" reklamo ko. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin.

"I lack cooking utensils,"

Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pagtawa. Nagdahilan pa siya, ayaw na lang aminin na hindi talaga siya marunong magluto.

Iniwan ko si Atlas at hinayaan siyang ayusin ang lamesa. Nagpunta naman ako sa banyo para magmumog at maghilamos. Nagpalit rin ako ng damit.

5 days.

Pagkatapos ng confession namin ni Atlas sa isa't-isa ay humingi ako sa kanya ng 5 araw para layuan muna ako. Kailangan ko ang mga araw na iyon para mag-review at paghandaan ang finals.

Hindi ako makakapag-focus sa pag-aaral kung lagi siyang nakadikit. Napakalakas ng presensya niya para hindi pansinin. Noong una ay ayaw niyang pumayag. Kung anu-anong drama pa ang pinagsasabi niya.

Kesyo hindi raw siya manggugulo at magre-review din gaya ko pero hindi pa rin ako pumayag. Wala siyang nagawa.

At ngayong tapos na nga ang finals at magsisimula na ang panibagong semester ay heto na ulit siya.

Paglabas ko ay nakaayos na ang mga pagkain. Hinihintay na lang niya ako.

"Let's eat," aniya nang makita akong lumabas ng banyo. Tumango ako at lumapit.

Nagdasal muna kami bago kumain. Tahimik kaming kumain at parang ang awkward ng atmosphere. Naiilang ako.

Parang kailan lang kasi nung nangyari ang pagtatapat namin sa isa't-isa. Sariwa pa rin sa utak ko. To be honest, hindi ko alam kung ano ba ang dapat i-asta ko.

May feelings kami sa isa't-isa. Ibig sabihin MU kami.

Sa halip na isipin pa ay pinili ko na lamang maging normal kagaya ng pakikitungo ko sa kanya noon. Mas madali kung ganoon.

"Have you talked to Arthur?" si Atlas ang bumasag sa katahimikan.

Umiling ako.

"Hindi pa, nag-text siya sa akin noong isang araw na bumalik na siya ng Cebu. Ang sabi niya ay babalik din daw siya kaagad dito." sagot ko. Kumunot ang kanyang noo.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now