Chapter 2

578 21 0
                                    

Chapter 2

5:30 am ay nakaayos na ako. Nakaligo na at nakakain na ng breakfast. Mahigit sampung minuto lang ang layo ng school ko dito kaya mukhang mapapaaga ang pasok ko. Medyo kinakabahan na nae-excite ako dahil ito ang unang araw ng pagpasok ko as a first year college.

Mamayang tanghali narin ang simula ng trabaho ko. I just hope everything goes well. Kahit pa dalawang araw na akong nape-perwisyo.

Gustuhin ko mang makalimutan ang nangyari kahapon ay hindi ko magawa. Paano ko magagawa iyon? Nasa katabing bahay lang naman ang taong nagparamdam sa akin ng sobrang galit kahapon at mukhang mas madalas pa kaming magkikita!

Magdamag kong inisip ang nangyari dahil hindi parin ako makapaniwala na may mga tao palang ganoon. Sa sobrang taas ng pride nila ay tinatabunan nalang nila ito ng pera.

Pinilig ko ang aking ulo para mawala sa isip ko iyon. Unang araw ng eskwela at trabaho ko ngayon at ayaw kong masira.

Nang masiguro kong wala akong naiwan ay lumabas na ako ng apartment at ni-lock 'yon. Bumili ako ng dobleng lock kahapon dahil mas mabuti nang mag-ingat.

Abala ako sa pagla-lock nang biglang bumukas ang katabing pinto. Bahagya pa akong nagulat dahil do'n. Mula sa pinto ay lumabas doon ang lalaking kanina lang ay iniisip ko.

Bagong ligo siya at ang mas nakapagpagulat sa akin ay ang suot niyang uniform. Kaparehas ng disenyo ng uniform ko ang uniform niya. Nakita niya ako at agad na nagusot ang kanyang gwapong mukha. Tumaas pa ang kilay niya nang makita ang suot kong uniform.

Iniwas ko na ang tingin ko at pinagpatuloy nalang ang ginagawa. Nainis pa ako dahil hindi ko agad maayos ang pagla-lock.

Nang dumaan siya sa likod ko ay naamoy ko kaagad ang kanyang bango. Pinaghalong sabon siguro 'yon at perfume niya. Hindi masakit sa ilong. Dire-diretso siya hanggang sa makababa.

Nang matapos kong i-lock ang pinto sumilip ako sa baba at nakitang sumakay siya sa kotse niya. Napataas ang aking kilay nang makitang bago ang sasakyan niya. Black Ford Mustang.

As usual ay pinaharurot niya ito paalis. Napabuntong hininga ako sa kaalamang parehas kami ng school na pinapasukan at parehas pa ng oras. Ipagdarasal ko nalang na hindi na kami magkita pa doon.

Matapos ang kaunting paglalakad ay nakarating din ako sa school.

Wisdom State University (school does not exist in real life)

Isa itong State university pero covered ito ng free tuition law. Walang tuition pero mataas ang kinakailangang requirements para makapasok. Masaya ako dahil isa ako sa mga estudyanteng pinalad na maabot ang mga requirements na ito.

Nang makapasok ay natanaw ko pa si Atlas. Nakasukbit ang kanyang bag habang papunta sa engineering department. Engineering student?

Sandali pa akong napaisip dahil kung mayaman pala siya, bakit hindi siya mag-aral sa pretihiyosong eskwelahan?

Nagkibit balikat ako. It's not my business to find out.

Ang unang subject ko ay Panitikang Filipino kaya naman nagpunta na ako sa room para sa subject na iyon.

Naging maayos naman ang unang subject ko kahit pa wala akong kakilala. Sa pangalawa at pangatlong subject ay ganoon din. May mga ilan akong nakausap pero hindi rin 'yon nagtagal dahil kaunting tanungan lang.

Break time at nagbabalak akong pumunta ng Cafeteria nang biglang may tumawag sa akin.

"Caroline!"

Nakita kong sina Irene at Jessica iyon.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now