Bonus Chapter

20 4 0
                                    

Atlas Waylen Jimenez

I winced after touching the bruises and cuts on my face. Napapalatak ako dahil mukhang matagal maghihilom iyon. Fvcking assholes! Medyo tipsy ako kaya hindi ako nakalaban nang maayos sa kanila.

I punched the steering wheel of my car out of frustration. I'll come for each of them once these injuries have healed.

Nagpunta ako sa bar para mag-inom, hindi para makakuha ng mga pasa at sugat. I was busy chilling on the corner when a girl approached me and started flirting with me. Hindi ako interesado kaya pilit kong tinataboy ang babae pero masyadong makulit at makapit.

Hindi ko inaasahan na may bigla nalang susuntok sa akin. Boyfriend pala 'yon ng malanding babae. Kayang-kaya ko namang patumbahin ang isang 'yon pero may mga nakisali.

Dahil medyo nakainom na, hindi ako nakalaban nang maayos.

"Ano ha?! Wala ka pala 'e!" a guy shouted after I fell.

Umalis sila at ako naman ay tinulungan ng mga bouncer na makatayo. Umalis ako ng bar na 'yon at nagpasyang umuwi sa apartment kong masikip.

Isa pa 'yon sa pinoproblema ko. Fvcking punishments!

Iniisip siguro ng magaling kong ama na magtitino ako kapag doon niya ako tinira. Ha! Well, he's wrong!

I parked my car in front of a building and went outside. Habang paakyat patungo sa 2nd floor ay nakasalubong ko pa ang landlady sa inuupahan kong apartment. I don't remember her name.

"Oh, hijo! Nandyan kana pala. Ginabi ka ulit ah," the old lady said. Tinatamad akong sumagot kaya tumango nalang ako.

"Nga pala......may nakatira na din sa tabi ng apartment mo. Kaninang umaga lang siya lumipat."

My forehead furrowed. I don't know why she even has to tell me. Wala naman akong pakialam. Hindi ko na siya sinagot at nagtungo na sa tapat ng apartment ko.

Nilabas ko ang mga susi at binuksan ang pinto. But even the doorknob seems to be testing my patience. I can't find the right key!

Kung pwede lang ay sirain ko na ang doorknob na ito ay ginawa ko na.

Nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko kaya nag-angat ako ng tingin. My gaze met a woman's eyes. Nakatayo siya sa tapat ng katabi kong apartment at may mga bitbit.

Her eyes were full of curiosity. She's probably wondering why I have bruises.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang kainosentehan at kagandahan ng kanyang mukha. She literally looked like an angel and I guess she's a teenager.

Kumunot ang noo ko dahil masyadong matagal ang pagtitig ko sa kanya.

"What?" madiin kong tanong sa kanya. Para naman siyang natauhan at agad ring nagbukas ng pinto at pumasok doon.

Natakot ko yata.

Muli akong umalis ng gabing iyon at nagpunta ulit sa huling bar na pinuntahan ko. Bago ako nag-relax at uminom ay sinigurado ko munang nagantihan ko isa-isa ang mga taong pinagtulungan ako kanina. And I succeeded.

I got myself drunk that night, and the next morning, I don't remember anything. I don't even remember how I got home. Ang naaalala ko lang ay nakapag-drive pa ako pauwi at hanggang doon nalang.

Lumabas ako ng apartment para magtanong sa landlady. Nakasalubong ko pa ang babaeng nakatira sa tabi ng apartment ko pero hindi ko siya pinansin.

I found the old woman sweeping the floor.

"Oh, hijo. Magandang araw," she greeted.

"Good morning," seryosong sagot ko.

"Itatanong ko pala....hijo. Gelpren mo ba iyong babaeng nakatira sa tabi ng apartment mo? 'Yung bagong lipat."

The Two Of UsWhere stories live. Discover now