Chapter 22

27 3 0
                                    

Chapter 22

Nakatitig lang sa akin si Tita Clay habang tinitignan ang reaksyon ko. Gano'n din naman ako sa kanya na hindi alam kung ano ang sasabihin. Pino-proseso pa ng isip ko ang sinabi niya.

Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Kinalma ko ang sarili ko bago sumagot.

"Ayoko, Tita.." mahinang sambit ko. Hindi nagbigay ng reaksyon si Tita na para bang inaasahan na niya ang sagot ko.

"Are you sure?" she asked. Yumuko ako at dahan-dahang tumango.

Para saan pa? 18 years akong nabuhay nang walang ama, ngayon ko pa ba kailangan?

"Caroline, I want you to think carefully about your decision." malungkot ang mga mata habang sinasabi iyon. Nalulungkot siya dahil umaasa siyang magkakaayos kami.

"Sigurado ako sa sagot ko, Tita. Hindi na mababago 'yon. Ano ang magandang mangyayari kapag nagkita pa kami?" nanginginig ang aking boses habang sinasabi iyon.

Ramdam ko rin ang pangingilid ng aking mga luha. Gusto kong kagalitan ang sarili ko dahil nakakaramdam ako ng ganito.

"You will hear his expla—---"

"Hindi ko kailangan no'n, Tita! Masyado nang huli ang paliwanag niya!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Masyado akong nadala ng emosyon kaya nakalimutan kong si Tita Clay ang kaharap ko.

"Then why are you crying, Caroline?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ilang beses akong napapikit at naramdaman ko ngang basa ang aking mga mata. Bakit nga ba ako umiiyak?

Nang hindi ako nakasagot sa kanyang tanong ay kumalas sa aking kamay si Tita at kinuha ang kanyang bag. May kinuha siya sa loob at inabot sa akin.

Dahan-dahan kong kinuha iyon at tinignan.

Isang calling card.

Oliver V. Tuazon

"That's your father's calling card. Noong nagkita kami, gusto ka niyang makita agad. Hinihingi niya ang number at address mo dito sa Manila, pero hindi ko binigay." sambit ni Tita habang nakatingin pa rin ako sa calling card. Nanginginig ang aking mga kamay.

"Gusto kong ikaw ang tumawag sa kanya kapag handa ka nang kausapin siya. I'm not sorry for doing this, ayoko lang na pagsisihan mo sa huli."

Nakaalis na sina Tita nang gabing iyon pero ako ay nakatitig sa calling card na hawak ko.

Oliver, that's my father's name.

Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan. Bakit ngayon niya lang ako naisipang hanapin at gustong makita? Bakit hindi noon?

Bakit hindi noong mga panahon na kaya ko pang tanggapin ang magiging paliwanag niya kung sakali? Bakit hindi noong mga panahon na mag-isa lang ako? Bakit hindi noong mga panahon na kailangan ko ng ama dahil sa pagkawala ni Mama?

Bakit?

Humahagulgol na ako dahil sa pag-iyak. Pwede kong lukutin ang calling card at itapon pero hindi ko magawa. Sa halip na gawin iyon ay nilagay ko sa dulong bahagi ng drawer ang calling card at sinara.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon para tingnan kung sino ang nag-text.

Galing kay Atlas.

From: Atlas

Can I go there now?

Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kahit sino ngayon kaya nireplyan ko siya na bukas na lang. Pero dahil hindi pumayag si Atlas ay nagpunta pa rin siya.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now