Prologue

1.1K 26 1
                                    

Prologue

At the age of 18, I learned to become independent. My mom died when I was 10 in a car accident. Noon, hindi ko maintindihan kung bakit hindi na siya bumalik matapos niyang lumabas para lamang bumili ng kakainin namin. I was so confused and still waited even though my relatives told me she won't come back anymore. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti ko iyong naunawaan. Hindi na siya babalik dahil wala na siya.

I don't know my father and I have no plans to meet or even find him. Kahit kailan ay hindi ako nagtanong sa mga relatives ko kung sino at nasaan ang tatay ko. Kung gusto niya akong makita, dapat matagal na siyang nagpakita.

Nang mamatay ang nanay ko, pinagpasapasahan ako ng mga kamag-anak namin. I have no parents and I was so young. Hindi ako masyadong mahinang umintindi kaya alam ko at nararamdaman ko na hindi nila gusto ang may isa pang palamunin na nakatira sa kanila.

After I turned 18, nagdesisyon akong bumukod. Siguro 'yon na ang pinakamasayang desisyon na ginawa ko in my 18 years of existence. Walang pumigil sa akin dahil kung 'yun daw ang gusto ko ay wala silang magagawa.

"Heto ang susi, hija." nakangiting sabi ng landlady ng apartment na tutuluyan ko.

"Salamat po," sabi ko at tinanggap ang susi.

"Ikaw na ang bahala hija, ha? Nalinisan ko na iyan kaya pwede ka na talagang tumuloy," wika niya.

"Talaga po? Maraming salamat po ulit, ang bait niyo po." sagot ko.

"O siya, maiwan na kita riyan. Aayusin mo pa ang mga gamit mo."

Nang umalis si Aling Ida ay agad kong binuksan ang apartment. Katamtaman lamang ang laki ng apartment at studio type. Sakto lang ito para sa akin.

Hindi gaanong karami ang mga gamit na dala ko. Kung ano lamang iyong mga kailangan ko talaga. Saka na ako bibili ng iba kapag nakapag-ipon na.

Nang maipasok ko ang mga gamit sa loob ay inilibot ko ang tingin sa buong apartment. Kumakabog ang dibdib ko habang ginagawa iyon. Sobra-sobrang excitement ang nararamdaman ko ngayon. I'll finally have my own peace and silence. Gusto ko sanang kunin ang kabilang apartment dahil medyo may space pa doon ngunit sabi ng landlady ay may nangungupahan na raw doon.

3k ang bayad ng apartment buwan-buwan. Napakabait lamang talaga ng landlady at ginawa niyang 2,500 na lamang ngayong buwan bilang discount. May sarili itong kitchen sink at banyo. Mayroong libreng papag at orocan na nasa loob na talaga ng apartment.

Nang matapos kong ayusin ang iilang gamit ko ay nagpasya akong lumabas para bumili ng hapunan. Balak ko ding magtingin pa ng ilang mga gamit na kailangan ko. Nang umalis ako ay nagbigay sa akin ng kaunting halaga ang mga kamag-anak ko. Naging malaking tulong parin 'yon kahit na hindi gaanong kalaki.

Bago ako bumukod at lumipat dito sa Pasay ay naghanap narin ako ng part time job. Isa akong cashier sa isang general store. 600 ang sahod kada-araw at magsisimula ako sa Lunes. Sapat na sa akin ang sweldong iyon. Wala akong tuition dahil sa public school naman ako nag-aaral. Hindi ko kailangan ng pamasahe dahil walking distance lang naman ang apartment ko sa trabaho at eskwelahan ko.

Sa Lunes ang simula ng first semester ng school year. First year college ako at BS of Education Major in Filipino ang kurso ko. Half day lamang ang pasok ko. Mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang oras naman ng trabaho ko ay 1:00 pm hanggang 8:00 ng gabi.

Inabot ako ng gabi sa pamimili dahil nagtatalo parin ang isip ko kung bibilhin ko na ba ang lahat ng kailangan ko o kung sa susunod na lamang. Hinuli ko ang pagbili ng pagkain para kahit papaano ay mainit.

Nasa 2nd floor ng building ang apartment ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay may natanaw akong pigura ng tao malapit sa apartment ko. Siguro ay iyon ang nakatira sa tabi ko ng apartment ko na sinasabi ng landlady.

Nang tuluyan akong makalapit ay mas lalo kong nakita kung sino iyon. Balak ko sanang ngitian kung sino man iyon para naman kahit papaano ay may kilala ako rito.

Ang balak ko ay unti-unting umurong nang makita ko ang lalaki na kunot na kunot ang noo habang pilit na binubuksan ang apartment niya. Hindi niya yata mahanap ang tamang susi. Ang mas lalong naka-agaw ng atensyon ko ay ang mga pasa at sugat niya sa mukha. Hindi malala pero halatang bago pa lamang. Gwapo siya pero nai-imagine ko kung gaano pa siya kagwapo kung wala siyang sugat.

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Masama ang tingin dahil mukhang napansin niya ang pagtitig ko. Mas lalo kong nakita ang buo niyang mukha.

Nakakamangha. Medyo madilim pero kitang-kita ko ang kulay brown niyang mga mata. Maganda pero parang sobrang lalim niyang makatitig.

"What?" maangas na tanong niya. Malalim at maaligasgas ang kanyang boses.

Para akong natauhan kaya naman dali-dali ko ring binuksan ang apartment ko. Hindi ko siya sinagot at pumasok na agad. Sobrang kaba ng dibdib ko. Napakasungit naman ng lalaking 'yon. Sana naman hindi lahat ng nakatira sa building na ito ay gano'n kasungit.

Inayos ko ang mga pinamili ko at napagdesisyunan ang pag-kain ng maaga. Pagod na ang katawan ko kaya gusto ko nang magpahinga. Mula Batangas ay bumiyahe ako patungo dito sa Pasay.

Matapos kumain ay naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit pantulog. Humiga ako at hindi rin nagtagal ay dinalaw rin ako ng antok.

Kumibot ang aking kilay dahil sa inis. Sunod-sunod ang pagkatok mula sa pinto. Naalimpungatan ako kaya kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng table at tinignan ang oras. Alas tres ng madaling araw!

Hindi ko malaman kung sino ang kakatok ng ganitong oras.

Wala akong choice kung hindi ang bumangon. Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko agad yun binuksan.

"Sino 'yan?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Sa pag-aakalang ang landlady ng apartment iyon ay binuksan ko ng konti ang pinto at sumilip mula doon.

Nakita ko ang lalaking nakatira sa tabi ng apartment ko. Nakita niya akong nakasilip lamang. Mapungay ang mga mata niya na parang inaantok.

Naguguluhan man ay binukas ko pa ng kaunti ang pinto. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagbagsak. Hindi ko agad siya nasalo kaya pati ako ay bumagsak rin.

Nawala ang antok ko dahil sa pangyayari. Hindi siya gumagalaw at naririnig ko lang ang mahina niyang paghilik. Tulog!

Dahil sa sobrang lapit niya ay naamoy ko siya.

Amoy alak!

@_hartsease

The Two Of UsWhere stories live. Discover now